Pagtaya sa Dota 2

Inirerekomenda

Dota 2
Dota 2

Ang Dota 2 ay isang online multiplayer game sa MOBA genre at ito ay nilikha ng Valve Corporation. Libre itong i-download sa Steam platform.

Pinakasikat na Steam game

Sa isang karaniwang laro ng Dota, ang pakay ng player ay sirain ang pangunahing gusali ng kalaban na tinatawag na Ancient, na nakapuwesto sa loob ng kanilang base. Ang base ay pinoprotektahan ng ilang tore na nakapuwesto sa tatlong magkakahiwalay na daan. Hinahati ang mga player sa dalawang team (ang Radiant at ang Dire). Bawat team ay may limang player. Sila ang kumokontrol sa mga Hero, mga unit na may natatanging abilidad at katangian. Maaaring pataasin ng mga player ang strength ng kanilang mga Hero sa pamamagitan ng pag-ani ng mga experience point at pagbili ng mga item.

Pinakamalaking esport

Mula nang magsimula ito noong 2011, nasa unahan na ng esports ang laro. Tampok dito ang ilan sa pinakamalalaking pool ng papremyo, dahil na rin sa paggamit ng crowdfunding. Ito ang pinakanilalarong titulo sa Steam, ang pinakamalaking distribution platform para sa mga larong PC. Ang Valve, na developer ng laro, ay magho-host ng The International, isang taunang tournament kung saan lalaban ang pinakamahuhusay na player para sa malaking pool ng papremyo na na-crowdfund. Ang International 2015 ay nakapag-ipon ng higit sa $18 milyon na perang papremyo. Napakasikat rin ng mga stream ng Dota 2. Nasusuportahan ang pagpusta sa Dota 2 dahil na rin sa presensya nito sa mga streaming website.

Mga tournament sa iba’t ibang dako ng mundo

Noong 2015 ay nagsimulang mag-co-host ang Valve ng mas maliliit na seasonal tournament na gumagamit ng fixed na pool ng papremyo, na tinatawag na Major. Bawat taon ay magkakaroon ng 3 Major tournament, ang bawat isa ay sa ibang rehiyon, na hahantong sa The International. Bukod pa sa mga Valve-sponsored na kaganapan, may ilan pang malalaking taunang tournament na hino-host sa buong mundo, kabilang ang ASUS ROG DreamLeague, The Summit, SL i-League StarSeries, mga ESL One event, Dota Pit League at iba pa. May daan-daang competitive match na maaari mong pustahan buwan-buwan!

Nag-aalok kami ng kapana-panabik na mga odds sa pagpusta at mga espesyal na promosyon para sa Dota 2, kaya tiyaking titingnan ang mga oportunidad para sa pagpusta sa esports sa GG.Bet!