Mga alituntunin sa pagpusta

1. Mga alituntunin sa cybergaming

Kung ang isa sa mga manlalaro (o team) ay tinanggal sa match (sa anumang kadahilanan), lahat ng natitirang round/card ay ituturing na talo.

Sa kaganapan na tumagal ang laro nang mahigit 48 oras, kailangang sumailalim sa pagsasauli ang mga pusta sa match sa coefficient ng 1.

Sa kaganapan na itinigil ng mga referee ang isang match at ipinag-utos ang isang rematch, hindi isasaalang-alang ang mga resulta ng itinigil na laro.

Kung ini-replay ang map pagkatapos nitong magsimula, ang mga pusta sa kalalabasan na natukoy nang itinigil ang laro ay mananatili. Babayaran ang lahat ng pusta sa pinag-uusapang map sa odds na 1.00. Mananatili ang mga pusta sa match at babayaran alinsunod sa kalalabasan ng match.

2. Mga uri ng kalalabasan ng cybergaming

Sino Ang Magpapatuloy Sa iminungkahing pandalawahan/magkapareha, papangalanan ng isa ang kalahok na magpapatuloy sa tournament grid. Kapag naalis sa tournament ang parehong kalahok, ang magiging pinakamahusay ay ang kalahok na pinakamalayo ang narating sa tournament grid. Kapag natanggal ang parehong kalahok sa parehong round, ang coefficient ng mga napanalunan sa mga pusta ay magiging katumbas ng “1”. Sa kaganapan na tumanggi ang kalahok na pumasok sa tournament bago ito magsimula, ang coefficient ng mga napanalunan sa mga pusta ay magiging katumbas ng “1”.

WINNER. Ang winner ay ang kalahok na nakakuha ng unang pwesto sa tournament. Sa kaganapan na tumanggi ang kalahok na pumasok sa tournament bago ito magsimula, ang coefficient ng mga napanalunan sa mga pustang isinagawa sa kalahok na iyon ay magiging “1”.

Pusta sa First Blood – kailangang tukuyin kung alin sa mga team ang unang makakatalo sa katunggaling manlalaro.

Pusta sa First Roshan – kailangang tukuyin kung alin sa mga team ang unang makakatalo sa Roshan.

Pusta sa Round Length – kailangang tukuyin kung tatagal ba ang round nang mas maiksi o mas mahaba kumpara sa iminungkahing oras sa mga minuto. Tanging ang integer value lang ng mga minutong nilaro ang isasaalang-alang, ibig sabihin, hindi isasaalang-alang ang mga segundo.

Ang round total ng handicap, individual total, at even/odd ay ipinakikita sa “mga pagkamatay” maliban kung iba ang tinutukoy ng line. Ang “pagkamatay” ay nangangahulugan na pagkamatay ng isang character para sa anumang kadahilanan (napatay ng mga kalabang character, Roshan, mga creep, atbp.).

Counter-Strike: Global Offensive (CS:GO)

Winner – Pusta sa winner ng match. Magsisimula ang match sa first kill sa isang pistol round.

1x2 – Kagaya ito ng Winner outcome ngunit ipinapahiwatig nito ang tsansa ng draw outcome. Available ito sa mga match kung saan posible ang draw outcome (kagaya ng mga match na BO2 o BO1 na walang overtime).

Handicap 0 – Pusta sa nanalong team nang walang kasamang draw. Kapag mayroong draw outcome, kakalkulahin ang pusta sa odds na 1 (babalik ang pusta).

Map number – Winner (kabilang ang overtime) – Pusta sa winner ng napiling map sa loob ng match. Kabilang ang mga karagdagang round.

Map number – First half winner – Pusta sa team na mauunang manalo ng 8 round sa napiling map.

Map number – Odd/Even number ng mga round – Pusta sa odd o even number ng mga round sa map, hindi kabilang ang overtime.

Map number – Kung may overtime – Pusta kung may overtime ba ang match sa napiling map.

Map number – Kung may team kill – Pusta kung may team kill ba mula sa napiling team sa napiling map. Ang team kill ay nangangahulugang pagpatay sa iyong team member.

Map number – Kung may knife kill – Pusta kung may knife kill ng kalaban mula sa napiling team sa napiling map.

Map number – Winner sa pistol round – Pusta sa team na mananalo sa napiling pistol round.

Map number – Winner sa dalawang pistol round – Pusta sa team na mananalo sa parehong pistol round sa napiling map.

Map number – Natanim ang bomba sa pistol round N – Pusta kung may natanim ba na bomba sa tinukoy na pistol round sa napiling map.

Ang mga pistol round (ang una at ang ikalawa) ay ang una at ikalabing-anim na round sa pangkalahatang score sa map.

Total number ng mga round – Pusta sa total number ng mga round ng parehong team sa match, hindi kabilang ang overtime.

Team N – Total number ng mga round – Pusta sa total number ng mga round na napanalunan ng tinukoy na team sa match, hindi kabilang ang overtime.

Halimbawa, pumusta ang manlalaro sa kalalabasan na 24.5+ ng team 2. Natapos ang BO3 match sa pagkatalo ng tinukoy na team na may score na 11-16: 13-16. Ang total number ng mga round na napanalunan ng team 2 ay 24 (11+13). Matatalo ang pusta dahil ang number ng mga round na napanalunan ay mas mababa kumpara sa tinukoy na value sa Slip. Ganunpaman, kung inilagay ang pusta sa outcome na mas mababa sa 24.5, at ang number ng mga round na napanalunan sa match ay 24, mananalo ang pusta.

Team N – Napanalunang total number ng mga pistol round – Pusta kung napanalunan ba ng tinukoy na team ang napiling number ng mga pistol round sa match.

Map number – Total number ng mga round – Pusta sa total number ng mga round sa map, hindi kabilang ang overtime. Halimbawa, kung maglalagay ang manlalaro ng pusta sa outcome na 26.5, at ang total number ng mga round na nilaro sa map ay 26, matatalo ang pusta dahil ang number ng mga round na nilaro ay mas mababa kumpara sa value na tinukoy sa Slip. Ganunpaman, kung inilagay ang pusta sa outcome na mas maliit sa 26.5, at ang number ng mga round na nilaro ay 26, mananalo ang pusta. Ang maximum na number ng mga round na maaaring laruin ay 30.

Map number – Total number ng mga round para sa team N – Pusta sa tinukoy na number ng mga round na nilaro ng team N sa tinukoy na map, hindi kabilang ang overtime.

Map number – Total number ng mga round para sa team N na nilaro para sa Terrorists/Counter-Terrorists – Pusta sa tinukoy na number ng mga round na napanalunan ng team N sa tinukoy na map, hindi kabilang ang overtime, kung naglalaro ito para sa tinukoy na team: atake (Terrorists) o depensa (Counter-Terrorists).

Map number – Total number ng mga round na nagtapos sa pagsabog ng bomba – Pusta sa total number ng mga round sa map (hindi kabilang ang overtime) na nagtapos sa pagsabog ng bomba.

Map number – Total number ng mga kill sa pistol round – Pusta sa total number ng mga kill mula sa parehong team sa tinukoy na pistol round sa map.

Round handicap – Advantage o disadvantage ng isa sa mga team na ipinapakita sa total number ng mga napanalunan o natalong round sa match, hindi kabilang ang overtime.

Map number – Round handicap – Advantage o disadvantage ng isa sa mga team na ipinapakita sa total number ng mga napanalunan o natalong round sa tinukoy na map, hindi kabilang ang overtime.

Map number – Round X Winner – Pusta sa nanalong team sa isang partikular na round sa tinukoy na map. Ang panalo sa round ay matatamo sa pamamagitan ng pagpatay sa lahat ng kalaban sa map, pagpapasabog/pagde-defuse ng bomba o pagkaubos ng oras sa round timer.

Map number – Race to X rounds – Pusta sa kung aling team ang mauunang makaabot sa napiling number ng mga round sa tinukoy na map.

Map number – Eksaktong score – Pusta sa pinal na tinukoy na score para sa tinukoy na map. Kung ang score sa map ay umabot sa 15-15, kakalkulahin ang lahat ng pusta sa market na iyon sa odds na 1.

Odd/even number ng mga map – Pusta sa odd o even total number ng mga map na nilaro sa match. Ginagamit lang ito sa mga BO3 match.

Total number ng mga map – Total number ng mga map na nilaro sa match.

Map handicap – Advantage o disadvantage ng isa sa mga team na ipinapakita sa total number ng mga napanalunan o natalong round map.

Eksaktong map score – Ikaw ang pipili ng eksaktong final score sa match na nilaro batay sa mga map.

Map number – Round X – Paraan ng pagkapanalo – Ikaw ang pipili ng eksaktong paraan ng pagkapanalo sa napiling round sa tinukoy na map. Maaaring mapanalunan ang round gamit ang isa sa mga sumusunod na paraan: pagpatay sa lahat ng kalaban sa map, pagpapasabog ng bomba, pagde-defuse ng bomaba, pagkaubos ng oras sa round timer.

№ map-Total Over + Win- Pusta sa kung aling team ang mananalo sa pinag-uusapang map sa regular na oras at ang total round na na-score ng parehong team ay magiging mas mataas kumpara sa itinalagang total para sa map na ito. Hindi kabilang ang overtime sa mga pusta (kapag nilaro ang overtime, kung gayo’y matatalo ang pusta sa lahat ng outcome para sa market na ito).

OVERTIME

Maaaring mapanalunan ang map sa nang hindi bababa sa 16 na round. Sa kaso ng draw sa map (kapag ang score ay 15-15), kadalasang iminumungkahi ng mga alituntunin ng tournament na maglaro ng karagdagang 6 na round, na tinatawag ding overtime. Ang team na unang mananalo ng 4 sa 6 na karagdagang round sa overtime ang panalo. Sa kaso ng draw sa overtime (parehong team ang nanalo ng tig-3 sa overtime), mag-uumpisa ang susunod na overtime (6 na karagdagang round).

Map number - 1x2 overtime N – Pusta sa nanalo sa napiling overtime sa tinukoy na map ngunit may tsansang draw outcome.

Map number – Eksaktong score ng overtime N – Pusta sa eksaktong final score para sa overtime N sa tinukoy na map.

Map number – Odd/even number ng mga round ng overtime N – Pusta sa odd/even number ng mga round na nilaro sa overtime.

Map number – Total number ng mga round ng overtime N – Pusta sa total number ng mga round na nilaro sa overtime N.

Map number – Winner sa first half ng overtime N – Pusta sa team na mauunang manalo ng 3 round sa overtime N sa napiling map.

Halimbawa, kung maglalagay ang manlalaro ng pusta sa outcome na 5.5+, at ang total number ng mga round na nilaro sa overtime ay 6, mananalo ang pusta dahil ang number ng mga round na nilaro ay mas mataas kumpara sa value na tinukoy sa Slip. Kung inilagay ang pusta sa outcome na mas maliit sa 5.5, at ang number ng mga round na nilaro ay 4 o 5, mananalo ang pusta.

3. Pangangasiwa ng mga account

3.1. Pagbubukas ng isang account

Upang magkaroon ng akses sa lahat ng pangunahing serbisyo sa Site, kailangang buksan ang isang account. Para magawa ito, kailangang ibigay ng manlalaro ang kanyang e-mail address at magtakda ng password na gagamitin sa susunod upang makapasok sa account ng manlalaro.

Mas mainam din kung ilalagay ng manlalaro ang kanyang personal na impormasyon.

3.2. Kawastuhan ng ibinigay na impormasyon

Kinukumpirma ng manlalaro na sa panahon ng pagpaparehistro para sa Site, nagbigay siya ng buo, tumpak, at maaasahang impormasyon tungkol sa kanyang sarili at kung magaganap ang mga pagbabago sa impormasyong ito, kailangang kaagad na ilagay ng manlalaro ang mga ito sa kanyang profile. Ang kabiguang tumalima sa mga alituntuning ito o pagsasawalang-bahala sa mga ito ay maaaring maging daan sa paglalagay ng mga limitasyon sa account ng manlalaro, suspensyon o pagba-block ng account, ganundin ang pagkakansela ng mga pagbabayad.

3.3. History ng pusta

Maaring tingnan ang mga naunang pusta anumang oras sa pamamgitan ng pagpasok sa seksyon ng site na “Mga pusta ko”. Sa paggamit ng filter upang maghanap sa pamamgitan ng petsa, maaari kang pumili ng partikular na panahong gusto mo at tingnan ang iyong mga pusta.

3.4. History ng account

Maaaring maakses anumang oras ang lahat ng iyong transaksyong pinansyal. Para tingnan ang mga ito, mag-log in at pumasok sa seksyon na “Cashbox” at sa seksyon na “History ng pagbabayad”.

history
3.5. Balanse mo

Ipinakikita ang kasalukuyang balanse ng iyong account sa pinakaitaas ng site. Available ang mas detalyadong impormasyon tungkol sa katayuan ng iyong tunay at bonus na balanse sa iyong profile sa seksyon na “Balanse”.

4. Mga pagdedeposito

Bago ang pagdedeposito ng mga pondo sa iyong account, kailangan mong mag-log in. Pagkatapos na makapag-log in sa system, mag-click sa “Cashbox” para pumili ng mga paraan ng pagdedeposito ng mga pondo sa balanse mo. Pagkatapos pumili ng paraan ng pagbabayad na maalwan para sa iyo (hal. Visa o Mastercard), ilagay ang halagang idedeposito at i-click ang “Ideposito” .

Depende sa paraan ng pagbabayad na napili mo, maaari kang mailipat sa page para sa pagbibigay ng mga kinakailangang mga kredensyal sa pagbabayad. Ilagaya ng kinakailangan mga detalye at i-click ang “Magbayad”. Kung matagumpay ang transaksyon, kaagad na lalabas ang pera sa balanse mo kung gano’n.

5. Mga uri ng pusta

5.1. Ordinary

Ang Ordinary bet ay pusta sa isang seleksyon sa isang event. Ito ang pinakasimpleng uri ng pusta, kung saan kailangang manalo ang seleksyon mo para makatanggap ka ng mga napanalunan (ang ibinabalik). Pagkatapos pumili ng isang partikular na resulta na gusto mong pustahan, kailangan mo lang tukuyin ang ninanais na halaga ng pusta at kumpirmahin ito. Kung tama ang resulta, panalo ka kung gano’n. Kinakalkula ang mga napanalunan sa pamamgitan ng pagmu-multiply sa coefficient ng halaga ng iyong pusta.

5.2. Express
Sa pamamagitan ng pagpusta sa outcome ng dalawa o higit pang mga event, awtomatikong malalagay ang iyong pusta sa Express bet slip. Kinakalkula ang total coefficient para sa Express bet sa pamamagitan ng pagmu-multiply ng mga coefficient ng lahat ng outcome.


Tandaan na para manalo, dapat mahulaan ang lahat ng event na kabilang sa Express bet; ang pagkatalo sa isa sa mga event sa Express bet ay mangangahulugang pagkatalo sa buong Express bet.

  • Express (2) – ito ay isang pusta sa dalawang seleksyon sa magkakaibang event. Kailangang mapanalunan ang parehong seleksyon para makatanggap ng mga napanalunan (ang ibinabalik);
  • Express (3) – ito ay isang pusta sa tatlong seleksyon sa magkakaibang event. Kailangang mapanalunan ang tatlong seleksyon para makatanggap ng mga napanalunan (ang ibinabalik);
  • Express (X) – ito ay isang pusta sa X number ng mga seleksyon sa magkakaibang event. Kailangang mapanalunan ang X number ng mga seleksyon para makatanggap ng mga napanalunan (ang ibinabalik).
  • 5.3. System

    Sa pamamagitan ng pagtaya sa outcome ng tatlo o higit pang event, posible na makagawa ng isang uri na "system" bet sa betting slip. Sa uring ito ng pagpusta, mayroon kang option na lumikha ng maraming combo bet na magiging bahagi ng "system". Ang “posibleng mapanalunan” ng nabanggit na pusta ay kinakalkula sa pamamagitan ng pagsama-sama ng mga napanalunan ng lahat ng express bet na kumakatawan sa "system". Pagpili ng kumbinasyon, halimbawa, dalawa sa tatlo (2 \ 3) o tatlo sa anim (3 \ 6), pipili ka ng bilang ng mga outcome na dapat manalo upang makakuha kahit papaano ng bahagi ng mga napanalunan. Upang makuha ang buong “mga posibleng mapanalunan”, kailangan mong hulaan ang lahat ng event na kabilang sa "system". Ang pagkatalo sa isa sa mga event ng "system" ay magreresulta sa mas maliit na pakinabang. Sa ilang mga kaso, ang mga napanalunan ay maaaring mas kaunti kumpara sa halaga ng pusta. Dahil magkakapantay na ibinabahagi ang mga pondo sa "system" sa pagitan ng mga constituent express nito kapag pumupusta, magdedepende ang halaga ng panalo kung alin sa mga express at sa kung anong odds ang kanilang nilaro. Kinakalkula ang sukat ng kabuuang pusta sa pamamagitan ng pagsasama-sama sa lahat ng pusta sa mga grupo. Ang grupo ay isang combo bet sa "system".

  • System (2\3 - dalawang event sa tatlo) na binubuo ng 3 express, alinman sa mga ito ay gagawa ng dalawang event. Kailangang mapanalunan ang dalawang outcome upang makakuha ng bahagi ng mga napanalunan, at upang makuha ang buong halaga ng “mga posibleng mapanalunan”, kailangang mapanalunan ang lahat ng outcome (3);
  • System (2\4 – dalawang event sa apat) na binubuo ng 6 na combo bet, alinman sa mga ito ay gagawa ng dalawang event. Kailangang mapanalunan ang dalawang outcome upang makakuha ng bahagi ng mga napanalunan, at upang makuha ang buong halaga ng “mga posibleng mapanalunan”, kailangang mapanalunan ang lahat ng outcome (4);
  • System (2\4 – tatlong event sa anim) na binubuo ng 20 express, alinman sa mga ito ay gagawa ng tatlong event. Kailangang mapanalunan ang tatlong outcome upang makakuha ng bahagi ng mga napanalunan, at upang makuha ang buong halaga ng “mga posibleng mapanalunan”, kailangang mapanalunan ang lahat ng outcome (6);
  • System (X\Y - X event mula sa Y) ay ang 'Z' number ng mga combo bet, alinman sa mga ito ay 'X' number ng mga event. Kailangang mapanalunan ang ‘X’ outcome upang makuha ang buong halaga ng “mga posibleng mapanalunan”, kailangang mapanalunan ang lahat ng outcome (Y);
  • Bago maglagay ng pusta, maaari mong i-check ang istruktura ng kumbinasyon at posibleng panalo ng bawat mga combo bet sa seksyon na “Pumili ng kumbinasyon” sa pamamagitan ng pag-click sa check mark na nasa kanan ng numero na nagpapahiwatig ng bilang ng mga combo bet na bahagi ng "system".

    6. Pangkalahatang alituntunin

    6.1. Mga pagbabago sa alituntunin

    Pinanatili ng GG Bet ang karapatang i-update ang mga alituntunin anumang oras at magdagdag ng mga bagong alituntunin. Sa ganitong kaso, ang mga bagong alituntunin o isang bagong bersyon ng mga alituntunin ay dapat magkaroon ng kapangyarihan at kailangang kaagad na mailapat sa oras ng pagkakalathala ng mga ito sa website. Dapat pamahalaan ng na-update na mga alituntunin ang lahat ng isinagawng pusta pagtapos ng pagkakalathala ng naturang mga alituntunin.

    6.2. Mga paghihigpit sa edad

    Ang mga taong wala pa sa edad na 18 (mula rito ay tinutukoy bilang “Limit ng Edad”) ay pinagbabawalan sa pagparehistro sa website ng kumpanya at/o maglagay ng mga pusta. Ang paggamit ng Site ng taong hindi pa sumasapit sa Limit ng Edad ay magiging direktang paglabag sa Kasunduan. Kaugnay nito, may karapatan kaming humingi ng dokumentasyon na makakapagpatunay sa edad ng manlalaro. Maaaring tanggihan ang manlalaro ng probisyon ng mga serbisyo, at maaaring pansamantalang itigil ang aktibidad sa kanyang account kung sa oras na hiniling namin ay walang ibinigay na patunay na ang edad ng manlalaro ay lampas sa Limit ng Edad.

    6.3. Proteksyon ng personal na impormasyon

    Upang ipakitang matatag ang posisyon namin sa pagsasagawa ng negosyo alinsunod sa mga internasyunal na pamatayan, inilalathala namin ang probisyong ito sa pagprotekta sa data. Naniniwala kami na maitatayo lamang ang wastong mga pakikipagrelasyon sa negosyo sa pundasyon ng katapatan at pagtitiwala. Samakatuwid, napakahalaga para sa amin ng pagiging-kumpidensyal ng iyong personal na impormasyon.

    Maaari kang masayang makapaglaro taglay ang kaalaman na ginagawa namin ang lahat ng hakbang upang tiyakin ang kaligtasan ng iyong mga transaksyon. Lahat ng iyong impormasyon (kabilang ang iyong e-mail address, IP address, at ibang impormasyon) ay pribado at kumpidensyal at hindi ililipat, ipagbibili, o ipapamahagi sa mga ikatlong partido.

    Sumusuporta ang GG Bet sa mga patakarang pagpigil sa spam. Lahat ng e-mail na ipinapadala sa aming mga manlalaro ay nauugnay sa kanilang mga player account. Maari ring maglaman ang e-mail ng mga kasalukuyang mga promotonal material at impormasyon tungkol sa mga bagong feature ng site. Ang impormasyon tungkol sa mga napanalunan ng manlalaro at mga aksyong isinagawa niya ay mahigpit na kumpidensyal at nakatago sa isang protektadong lugar.

    Hindi nagsisiwalat ang GG Bet ng impormasyon tungkol sa mga napanalunan maliban sa mga kaso na ang naturang impormasyon ay opisyal na hiniling ng mga otoridad sa regulasyon. Kung mayroon kang anumang katanungan sa proteksyon ng iyong personal na impormasyon, pakikontak ang online support service. Ikalulugod naming tulungan ka.

    6.4. Maramihang pagpaparehistro

    Ipinagbabawala ng pagbubukas ng higit sa isang player account. Kung mapag-alaman na mayroong maraming player account ang kalahok sa pagpusta, kung gayo’y isasara ang lahat maliban sa isa, at ang mga karagdagang ispesyal na alok ng kumpanya ay ipadadala lamang sa natitirang player account.

    Kung mapaghinalaan na ang kalahok sa pagpusta ay nagbukas ng maraming player account na may layuning magsamantala sa mga promosyonal na alok o bonus, may karapatan ang kumpanya na i-withdraw ang lahat ng bonus at alok at hindi isaalang-alang ang mga ito kapag nagkakalkula ng mga susunod na pusta.

    7. Mga alituntunin sa pagtanggap ng pusta

    7.1. Tumatanggap ng mga pusta ang GG Bet sa batayan ng mga aktibong line na ipinapakita sa website ng GG Bet sa petsa na natapos ang pusta.

    7.2. Tinatanggap ang mga pusta para sa karaniwang oras ng match maliban kung iba ang nakasaad sa mga alituntunin.

    7.3. Tinatanggap ang mga pusta bago ang pagsisimula ng event. Ang mga hindi kabilang sa mga alituntuning ito ay ang mga Live bet, na kinukuha para sa mga event na kasalukuyang nagaganap. Kapag pumupusta, kinukumpirma ng manlalaro na hindi niya alam ang outcome ng event kung saan siya pumupusta.

    7.4. Tinatanggap ang lahat ng pagtatalo (maling kalkulasyon ng pusta, ‘di-nakalkulang pusta, atbp.) para sa 30 araw mula sa sandaling nagtapos ang event.

    7.5. Maaaring gawin ng GG Bet ang mga pagbabago sa Mga Line anumang oras (coefficient ng mga napanalunan, mga value ng mga handicap at total, mga limit sa mga express bet, halaga ng maximum na pusta, atbp.). Dapat panatilihin ang mga tuntunin para sa pagpusta na ginawa ng Manlalaro bago ang mga pagbabago sa Line.

    7.6. Itinatakda ng GG Bet ang minimum at maximum na laki ng mga pusta sa lahat ng sporting event at maaaring baguhin nang walang paunang nakasulat na abiso.

    7.7. Anumang pusta (kabilang ang Live bet) na inilagay sa isang event, ang resulta ng alinman na alam na sa oras ng pagpusta, ay dapat na ituring bilang walang-saysay at walang-bisa at dapat masailalim sa pagbabalik, ganundin na matanggal mula sa express bet.

    7.8. Kakalkulahin ang lahat ng mga pre-match bet na naisagawa pagkatapos mag-umpisa ng laro sa odds na katumbas ng 1.

    7.9. Bagama’t ginagawa ng GG Bet ang lahat ng pagsusumikap na magbigay ng tumpak na impormasyon, walang pananagutan ang kumpanya para sa malilinaw na pagkakamali na nagawa ng tauhan at/o mga pagtatanggal na maaaring magdulot ng maling display ng mga coefficient, paglalagay ng mga resulta, listahan ng mga kalahok o ang oras ng pagsisimula ng mga event.

    7.10. Ang manlalaro ang tanging may pananagutan para sa kanyang mga pusta. Obligado ang manlalaro na tiyaking tama ang mga detalye ng kanyang pusta. Sa sandaling naisagawa na ang pagpusta at nakumpirma na ang pagtanggap dito, hindi na ito mababago o makakansela ng Manlalaro. Lahat ng pusta ay malinaw na ipinapakita sa screen kasama ng kahilingan sa Kliyente na ilagay ang kanyang password para ipakita ang kasunduan sa mga tuntunin ng pusta bago tanggapin ang naturang pusta. Pagkatapos matanggapa ang pusta, hindi na ito mababago.

    7.11. Hindi dapat maging dahilan ang connection failure o iba pang technical fault sa mga komunikasyon ng Manlalaro upang ikansela ang isang pusta kung nakarehistro na sa server ang pusta.

    7.12. Kung magaganap ang mga pangyayari na pipigil sa normal na operasyon ng bookmaker (mga problemang teknikal, human error, atbp.), ituturing na walang-saysay at walang-bisa ang mga pusta at ibabalik sa mga user nang buo.

    7.13. Sa kaganapan na nakalkula nang mali ang mga pusta (dahil sa technical fault, maling paglalagay ng mga resulta ng event, atbp.), sasailalim sa muling pagkakalkula ang mga pustang nakalkula nang mali.

    7.14. Sa mga kaso na, kung sa anumang kadahilanan ay natalo ang team sa paraang teknikal o isa sa mga kalaban ay nadiskwalipika bago matapos ang match, lahat ng market, kung saan nalaman na ang mga resulta sa panahon ng pagkaantala ng match, ay kakalkulahin ayon sa mga resultang umiiral, kakalkulahin ang mga natitirang market sa odds na 1.

    Sa mga kaso na, kapag bagahi lamang ng mga map o round ang nilaro sa series, babayaran ang market para sa pagkapanalo sa match ayon sa opisyal na score ng match, at ibabalik ang lahat ng ibang market (kabilang ang eksaktong score, mga handicap, mga total, odd / even).

    Hindi kabilang kapag nabago ang format ng match. Sa ganitong kaso, babayaran ang mga pusta para sa nilarong map/mga map sa match; ire-refund ang "Winner" market ganundin ang lahat ng market (kabilang ang eksaktong score, mga handicap, mga total, mga odd/even map) .

    7.15. Sa mga kaso na, kung mayroong opisyal na pahayag na ginamit sa esports match ang mga pandaraya, babayaran ang lahat ng pusta sa match na ito sa odds na 1.

    7.16. May karapatan ang GG Bet na hindi tanggapin ang mga pusta mula sa Mga Manlalaro nang hindi nagbibigay ng dahilan, ganundin na hindi tanggapin ang mga pusta mula sa mga lumabag sa Mga Alituntunin, at pinanatili ng GG Bet ang karapatang isara o pansamantalang i-block ang mga account ng indibidwal na Mga Kliyente nang walang paunang abiso.

    7.17. Pinagbabawalan ang mga user sa paglalagay ng mga identical bet sa parehong match upang lampasan ang mga limit. Ituturing ang mga naturang aksyon bilang mabigat na paglabag sa mga alituntunin at maaaring maging daan sa mga karagdagang limit, mga betting cap, at maaaring magresulta sa pagba-block ng account.

    7.18 GAME TIME OVER/UNDER

    Kinakalkula ang mga pusta sa market na ‘GAME TIME OVER/UNDER’ batay sa tagal ng total map/match. Tinutukoy ng opisyal na in-game timer ang tagal. // Halimbawa: GAME TIME OVER/UNDER, nilaro ang map nang 36 na minute at 01 segundo. Itinuturing ito bilang ika-37 minuto, at ang mananalong pusta ay ‘Over 36.5’, ang matatalong pusta ay ‘Under 36.5’. Kung nilaro ang map nang 36 na minuto at 00 na segundo, samakatuwid ang mananalong pusta ay ‘Under 36.5’, at ang matatalong pusta ay ‘Over 36.5’.

    7.19. Kapag na-postpone, nagambala, o nakansela ang isang sporting event sa anumang kadahilanan, mananatili ang lahat ng pusta sa event na ito hanggang sa maganap ang event, sa kundisyong mangyayari ito sa loob ng 48 oras ng orihinal na opisyal na oras ng pagsisimulang naka-iskedyul. Kung hindi makukumpleto ang event sa loob ng 48 oras, babayaran ang naturang mga pusta sa odds na 1.00.

    7.20. Ang ibig sabihin ng winner ay ang mga pustang inilagay sa winner ng match. Binabayaran ang mga pusta batay sa nanalong number ng mga map o round (kung tumagal lang ng 1 map ang match). Babayaran ang mga pusta kabilang ang mga extra round (maliban kung iba ang tinukoy sa 7.14).

    8. Paglalagay ng mga pusta mula sa balanse ng bonus ng isang tao

    8.1. Kapag naglalagay ng mga pusta mula sa balanse ng bonus ng isang tao, inilalapat ang mga alituntunin at kundisyon para sa pagtaya sa isang aktibong bonus. Maaari mong kabisaduhin ang mga kundisyong ito sa seksyon na “Mga Promosyon” sa GG Bet.

    8.2. Kapag nailagay ang pusta mula sa balanse ng bonus na hindi pa nanalo at nagamit na sa payout bago ang oras na kinakalkula ang pusta, makakansela ang nasabing pusta at wala nang karagdagan pang kalkulasyon ang isasagawa rito.

    8.3. Mayroong dalawang balanse ang bawat manlalaro: isang tunay at isang bonus. Pangunahing ginagamit para sa mga pagpusta ang tunay na balanse ng manlalaro. Saka lamang siya makakapagsimulang maglaro gamit ang mga bonus na pondo kapag naging zero na ang halaga ng account ng manlalaro. Lahat ng mga napanalunang natanggap kapag naglalaro gamit ang mga bonus na pondo ay dapat kalkulahin sa balanse ng bonus ng manlalaro.

    8.4. Kapag naisagawa ang pusta mula sa balanse ng bonus na nanalo sa bandang huli (gagawing tunay na mga pondo ang mga ito), samakatuwid ay wala nang gagawing karagdagang kalkulasyon sa pustang iyon.

    8.5. Kung ayaw gamitin ng isang manlalaro ang mga bonus na pondo sa anumang kadahilanan, kung gano’n, maaari siyang maglagay ng mga pusta gamit ang mga tunay na pondo nang hindi pinakikialaman ang mga bonus na pondo. Maaaring maakses ng manlalaro ang kasalukuyang halaga ng available na mga tunay na pondo sa pamamagitan ng pag-click sa kanyang balanse na nasa itaas na bahagi ng screen.

    9. Mga Live bet

    Kinukuha ang mga Live bet sa panahon ng event at para lamang sa mga outcome, na hindi pa natutukoy ang mga resulta. Iniaalok ang mga Live bet sa ispesyal na seksyong “Mga Live bet”

    9.1. Coefficient sa mga Live bet

    Nagbabago sa real time ang coefficient para sa mga event. Maaaring tumaas o bumagsak ang coefficient sa panahong nasa pagitan ng pagpili ng pusta at pagtanggap dito, na maaaring makaimpluwensya sa halaga ng mga mapapanalunan. Unti-unting nagbabago ang coefficient para sa mga pustang ito upang maipakita ang pag-usad ng mga event sa match

    9.2. Mga Resulta para sa mga Live bet

    Ang mga resulta ng mga “Live” bet, sa batayan kung saan kinakalkula ang mga pusta, ay ang mga resulta na nalalaman kaagad pagkatapos ng event. Hindi isasaalang-alang ang lahat ng susunod na pagbabago kapag pinagpapasyahan ang iminumungkahing mga “Live” bet.

    Isinasagawa ng GG Bet ang kalkulasyon ng mga “Live” bet sa batayan ng sarili nitong statistical data sa kasagsagan ng laro. Maliban kung iba ang nakasaad, sa mga “Live” bet, dapat ituring na walang-saysay at walang-bisa ang lahat ng pusta sa mga atletang hindi nakikilahok sa kumpetisyon. Para sa mga outcome, na nalaman na ang mga resulta sa panahon ng match, ang kalkulasyon ng mga pusta ay dapat direktang isagawa sa oras ng pagkumpleto ng event kung maaari.

    Lahat ng pusta sa outcome ng alinmang tinukoy sa “Live” mode (sa partikular, ang mga pusta sa kung sinong mananalo sa isang partikular na segment ng match o kung ang total ba ay ubuuin ng “higit pa”), ay dapat ituring na balido at kakalkulahin kahit na sa kaganapang nagambala ang tournament o event .

    Dapat isaalang-alang ang mga paghahabol para sa mga pustang isinagawa sa Live event sa loob ng 24 na oras mula sa pagsisimula ng event.

    Kapag nagambala ang match o hindi nakumpleto sa loob ng 48 oras, hindi dapat sumailalim sa muling pagkakalkula ang mga pustang nakalkula hanggang sa sandaling ito. Para sa mga outcome, na hindi malinaw na tinutukoy ang mga resulta, na hindi pa nagaganap at/o hindi pa lubos na nakukumpleto, ang coefficient ng mga napanalunan sa mga pusta ay dapat na katumbas ng “1” (pagbabalik ng pusta).

    10. Minimum at maximum na pusta

    10.1. Minimum na pusta

    Ang sukat ng minimum na pusta para sa lahat ng event at sports ay 0.5 euro o katumbas sa USD/RUB.

    10.2. Maximum na pusta

    Ipinapakita ang maximum na sukat ng pusta sa kasalukuyang line at partikular na tinutukoy ng GG Bet sa bawat event, ganundin para sa bawat uri ng pusta, at napapailalim sa pagbabago nang walang paunang anumang uri ng abiso.

    Pinananatili ng GG Bet ang karapatang limitahan ang minimum at maximum na halaga ng pusta sa mga indibidwal na event, tanggihan o ikansela ang paulit-ulit na pusta para sa isa at parehong resulta, o sa talagang magkatulad na kumbinasyon ng mga resulta mula sa isang kalahok ng pusta at/o isang grupo ng mga kalahok ng pusta, ganundin ang pasimulan o ikansela ang lahat ng uri ng limitasyon para sa kahit kaninong kalahok ng pusta at/o grupo ng mga kalahok ng pusta nang walang karagdagang abiso at anumang pagpapaliwanag ng dahilan para sa naturang mga limitasyon.

    11. Mga bonus at promosyon

    Regular na nag-aalok ang GG Bet ng mga promosyon para sa mga bago at matatagal nang manlalaro. Maaarin kang kumuha ng higit pang impormasyon sa pamamagitan ng pagkontak sa aming support team

    12. MGA ALITUNTUNIN SA PAGPUSTA SA PLAYERUNKNOWN'S BATTLEGROUNDS (PUBG), FORTNITE AT Call of Duty Warzone

    12.1. Available na makukuha ang rekord ng match bilang isang Twitch clip sa pamamagitan ng paghiling. Isasaalng-alang ang lahat ng reklamo sa loob ng 24 na oras simula sa pagtatapos ng match.

    12.2. “Total Headshot Kills” market – mga frag lang (mga kill ng kalaban) na nagawa sa pamamagitan ng headshot ang isasaalang-alang.

    12.3. Kapag nilaro ang laro sa format ng mga team (duo o squad), ang mga “Total Kills” at ang “Total Headshot Kills” market lang ang kinakalkula sa resulta ng isang manlalaro, na ipinapahiwatig sa header ng laro, ngunit ibibilang ang pinal na pwesto sa rate market (Top 5/10/20 ... ) ayon sa buong resulta ng team.

    12.4. Sa kasong aalis sa match ang isang streamer sa pamamagitan ng game menu bago ang paglapag, mananatiling may bisa ang lahat ng pusta para sa susunod na match.

    12.5. Kung mayroong mga pangyayari na kung saan ay hindi malaman ang resulta ng match, samakatuwid ang mga pustang nilaro sa sandaling iyon ay mapapabilang dahil sa mga resulta ng pagtatapos ng match, lahat ng ibang pusta ay magreresulta sa odds na 1.0.

    12.6. Kung papalitan ng streamer ang game mode, kakalkulahin ang lahat ng pustang naisagawa bago ang paglapag sa odds na 1.0.

    12.7. Hindi mananagot ang Kumpanya para sa anumang aksyon ng streamer (manlalaro), bug o software error sa laro na humadlang sa manlalaro na matamo ang ninanais na resulta.

    12.8. Sa kaso ng streamsniping, inilalaan ng kumpanya sa sarili nito ang karapatang kwentahin ang lahat ng mga pustang isinagawa sa match na ito sa odds na 1.0.

    13. Mga batayang alituntunin sa pagpusta sa esports

    13.1. Tumutugma ang lahat ng uri ng pusta, pagbabayad ng pusta, mga halaga ng maximum na panalo kaugnay ng mga pusta sa esports sa Mga Alituntunin sa Pagpusta ng GGBet.

    13.2. Kapag nagambala ang match sa mga kaso na pagtangging maglaro o diskwalipikasyon ng manlalro, pagkawala ng connection, pagkaantala ng laro o na-restart ito o sa mga kaso ng anumang technical issue, mare-refund ang mga pusta sa lahat ng market maliban doon sa mga alam na ang mga resulta sa oras ng pagkakagambala.

    13.3. Kapag hindi nalaro ang isang laro sa loob ng susunod na apatnapu’t walong oras mula sa naunang nakaplanong oras ng pagsisimula nito, ikakansela at ire-refund ang mga pusta sa event na ito.

    13.4. Football esports

    13.4.1. Binubuo ang laro ng dalawang time, samantalang tinutukoy ang tagal ng time nang walang extra time at/o mga serye ng penalty.

    13.4.2. Binabayaran ang mga pusta alisunod sa mga resulta ng main time.

    13.4.3. Hindi limitado ang bilang ng substitution, at kahit anuman ang team squad.

    13.5. Basketball esports

    13.5.1. Tumutugma ang mga alituntunin sa pagpusta sa mga alituntunin sa pagpusta para sa mga mga klasikal na larong basketball.

    13.5.2. Binubuo ang laro ng 4 na quarter.

    13.5.3. Tinatanggap sa main time ang mga pusta sa team na mananalo, magdo-draw at sa anumang ibang outcome ng second half at fourth quarter Binabayaran ang lahat ng ibang iminumungkahing market na isinasaalang-alang ang mga resulta ng overtime hanggang sa iba ang isaad ng bet name (market).

    13.5.4. Kabilang sa mga pusta sa mga total para sa quarter ang mga point na na-score ng mga team sa panahon ng quarter na iyon at hindi ang kumpletong match hanggang sa pagtatapos ng quarter na iyon.

    13.6. Ice Hockey esports

    13.6.1. Tumutugma ang mga alituntunin sa pagpusta sa mga alituntunin sa pagpusta para sa mga mga klasikal na larong Ice hockey.

    13.6.2. Binubuo ang laro ng 3 period nang walang overtime at/o mga serye ng penalty shot.

    13.6.3. Binabayaran ang mga pusta na tumutukoy sa mga resulta ng main time maliban kung iba ang isinasaad ng bet name (market).

    14. CASHOUT

    14.1. Pinahihintulutan ka ng Cashout na bayaran nang maaga ang iyong taya (bago matapos ang nasabing sports event).

    14.2. Magagamit lang ang Cashout para sa mga single bet at maaaring hindi magagamit para sa ilang partikular na match o outcome.

    14.3. Ang cashout ay maaaring gamitin anumang oras pagkatapos mailagay ang taya, hangga't ang opsyon na "sell bet" ay magagamit pa rin para sa nasabing taya. Sa ilang mga kaso, ang opsyon na "sell bet" ay maaaring hindi magagamit para sa ilang mga teknikal na dahilan (walang magamit na stream, mga teknikal na error kapag ipinapakita ang score, atbp.); gayunpaman, ang opsyong ito ay maaaring magamit muli sa ibang pagkakataon.

    14.4. Para magbenta ng taya, dapat ay rehistradong user ka. Ang opsyon ay matatagpuan sa pamamagitan ng pagpunta sa “Bet slip – My bets” o “Profile – Bet history” sa website. Kapag nagbukas ka ng detalyadong impormasyon sa iyong taya, kailangan mong pindutin ang “Cashout” sa ibaba.

    14.5 Ang magagamit na halaga ay ipapakita sa linya ng “Cashout” ng bet slip. Ang halagang ito ay maaaring mag-iba at hiwalay na kakalkulahin para sa bawat indibidwal na taya.

    14.6. Maaari kang makaranas ng mga pagkaantala kapag humiling ka ng cashout. Ang kahilingan sa cashout ay maaaring mabigo kung kinansela o walang bisa ang sinabing outcome.

    14.7. Ang halaga ng cashout na inaalok sa anumang panahon ay ang halagang ire-refund sa iyong account kung matagumpay ang iyong kahilingan.

    14.8. Inilalaan ng aming website ang karapatang kanselahin ang mga transaksyon sa cashout sa mga sumusunod na kaso:

    - Kung mali ang naipakitang halaga ng cashout

    - Kung ang iyong taya ay naibenta pagkatapos malaman ang outcome ng market kung saan inilagay ang taya

    - Kung mali ang pagkakaayos ng taya o ng outcome

    - Kung ang pagpipiliang cashout ay ginamit kasabay ng mga bonus o promosyon

    Kung ang pagbebenta ng taya ay kinansela, ang taya ay babayaran batay sa outcome ng sports event kung saan ito inilagay.

    14.9. Inilalaan ng aming website ang karapatan na baguhin ang mga tuntunin o ihinto ang pag-aalok ng opsyon sa cashout nang hindi nagbibigay ng dahilan o paunang abiso.

    15. Mga interval market

    Ang terminong "Mga interval market" ay tumutukoy sa mga taya na inilagay sa mga resulta na nangyayari sa loob ng isang takdang panahon.

    Para sa mga layunin ng pag-aayos ng taya, ang 14:59 ay itinuturing na ika-15 minuto, at ang 15:00 ay itinuturing na ika-16 na minuto.

    Ang mga taya sa mga sumusunod na pagitan: 31-45 at 76-90 ay walang kasamang karagdagang oras.

    Halimbawa:

    Ang tayang Kabuuang Mga Goal ay Higit sa 0.5 ay inilagay sa sumusunod na pagitan: 1-15. Kung ang goal ay na-iskor sa 14:59, panalo ang taya na ito. Ngunit, kung ang goal ay na-iskor sa 15:00, ang taya na ito ay matatalo dahil ang goal ay itinuring na na-iskor sa sumusunod na pagitan: 16-30.

    Suporta 24/7