Pagtaya sa Valorant
Ang Valorant , na nilabas noong 2020 ng RIOT Games, ay naging lubhang matagumpay at kasalukuyang nakikipaglaban sa CS:GO pagdating sa mga aktibong player at manonood sa Twitch. Salamat sa patuloy na lumalaking player base, mga patuloy na update at regular na opisyal na kumpetisyon, naging pangunahing paborito na ang shooter na ito para manguna sa industriya ng esports.
Regional at international kompetisyon
Mula sa simula ng proyekto, binuo ang Valorant na may malaking focus sa esports na kinabukasan nito - naglaan ng malaki ang mga developer para sa optimization ng laro, upang matiyak na tatakbo ang laro nang may minimal na delay, magandang FPS, at maaasahang hit registration. Magandang teknikal na base, classic at napatunayang mechanics mula sa Counter-Strike, at kawili-wiling disenyo ng character na hango sa Overwatch at APEX, ang dahilan kung bakit matagumpay ang laro. Bilang resulta, maraming propesyonal na player mula sa ibang disiplina ang nagpasyang lumipat sa Valorant. Bukod doon, naging kapana-panabik na rin ang laro para sa mga interesadong pumusta sa esports.
Sa pagkakaroon ng malaking karanasan sa pagbubuo ng esports ecosystem sa isa pa nilang laro na League of Legends, sinusubukang ulitin ng RIOT Games ang kanilang tagumpay sa kanilang bagong titulo. Sa kasalukuyan ay nag-oorganisa sila ng mga regular na kumpetisyon sa loob ng pitong regional league. Bukod doon, bawat season ay natatapos sa isang napakalaking international championship. Samakatuwid, laging posibleng makahanap ng kawili-wiling opsyon para gumawa ng pusta sa Valorant.
Mga Pusta sa Valorant sa GG.Bet
Nilikha noong 2016, ang GG.Bet ay dati nang naka-focus sa esports bilang pangunahin nitong prayoridad. Sinusubaybayan namin ang eksena at isa kami sa mga unang bookmaker na nagsimulang tumanggap ng mga pusta sa Valorant. Maaari kang pumusta rito sa mga opisyal na tournament at third-party event. Nagagamit ng mga user namin ang maraming uri ng pusta, magagandang odds, at malalaking bonus.