Pagtaya sa Vainglory

Inirerekomenda

Vainglory
Vainglory

Ang Vainglory ay isang multiplayer online battle arena (MOBA) na laro na ginawa ng Super Evil Megacorp.

Dinisenyo para sa mga mobile platform, ito ay hawig sa estilo ng mga kilalang PC MOBA na League of Legends at Dota 2, kung saan dalawang magkalaban na team ang sumisira sa base ng kalaban sa pamamagitan ng pagkontrol sa daan sa pagitan ng mga base, na may isang hilera ng mga tore at binabantayan ng mga kalabang minion.

Pamilyar na gameplay

Sa Vainglory, may tatlong player ang mga team kung saan ang bawat isa ay may kontrol na avatar, na tinatawag na Hero, mula sa kanilang sariling device. Ang mga character na kontrolado ng computer, na tinatawag na Minion, ay nagso-spawn sa mga team base at sumusunod sa daan patungo sa base ng kabilang team, at nakikipaglaban sa daan. Nakahilera sa daan ang mga turret tower na pumipigil sa daloy ng mga Minion at kalabang Hero. Ang pakay ng player ay sirain ang mga turret ng kalaban at Vain Crystal sa base ng kalabang team. Kapag nasira ang crystal, panalo ang team na nakasira nito.

Umuusbong na eSport

Ang esports ay pangunahing bahagi ng Vainglory. Noong 2015, itinatag ng Super Evil Megacorp ang Vaingloryleague (VGL), isang competitive na liga na dinisenyo para suportahan ang mga propesyonal na team at player. Noong Marso ng 2016, nag-host ang Red Bull ng VGL Winter Season 2016 Championship, kung saan may $25,000 pool ng papremyo at 16 kalahok na team.

Ang Vainglory ang isa sa pinakamabilis na lumagong eSports market at ang gg.bet ang perpektong destinasyon para masundan ang lahat ng malalaking kumpetisyon at makagawa ng ilang napakagandang pusta sa esports!