Pagtaya sa PUBG

Inirerekomenda

Battlegrounds
PUBG

Ang PlayerUnknown's Battlegrounds ay isang multiplayer online game na may mga elemento ng isang survival simulator na binuo ng Bluehole at dini-distribute gamit ang Steam.

Kuwento ng Tagumpay ng Battlegrounds

Ang konsepto ng laro ay binuo ni Brendan Green na may palayaw na PlayerUnknown, na noong panahong iyon ay hindi talaga kilala ng marami. Siya ang lumikha ng modification na tinatawag na “Battle Royale” para sa isa pang kilalang titulo sa Steam - Arma.

Ang ideya ay simple ngunit patok na patok - magsisimula sa match ang mga player sa iba’t ibang lugar sa mapa at lalaban para mabuhay - kailangan nilang mangolekta ng mga weapon at equipment at dahan-dahang gumalaw patungo sa patuloy na papasikip na safe zone, habang pinapatay ang mga kalaban sa daan. Lubhang naging popular ang modification sa komunidad, at naging bahagi ito ng isa pang kilalang laro – ang H1Z1. Ngunit simula pa lang ito para kay PlayerUnknown - pagkatapos ng ilang panahon ay nagpasya siyang maglabas ng sarili niyang laro at nakuha niya ang suporta ng kumpanyang Bluehole.

Ang proyektong tinawag na PlayerUnknown's Battlegrounds ay talagang sumikat at nalampasan pa nito ang isang higante ng industriya, ang CS:GO, sa Steam ng mga kasalukuyang naglalaro. Napakapopular din ng mga stream ng PUBG, kung saan ito ay nasa top-3 na laro sa Twitch. Sa kabuuan, nakabenta ang Bluehole ng mahigit 6 na milyong kopya sa unang apat na buwan. Sa kasalukuyan, ang pangunahing distribution platform para sa laro ay Steam, ito rin ay magiging available para sa mga console.

Potensyal ng Esport: Mga Tournament at Pagpusta

Ang Battlegrounds ay hindi lang napakasikat at nakakaaliw na laro, ito rin ay may competitive na aspeto at potensyal upang maging isang larong esports. May interes rin para sa proyekto mula sa industriya ng pagpusta.

Totoo, hindi simple ang gameplay ng battlegrounds, at upang manalo, kailangan mong maunawaan ang mechanics ng laro at magkaroon ng abanteng kahusayan sa shooting. Bagaman ang proyekto ay hindi pa labas sa Early Access stage, halos lahat ay nag-uusap tungkol sa hinaharap nito bilang isang larong e-sports. Tunay nga, hindi lang gustong maglaro ng mga tao, gusto rin nilang manood ng mga stream, suportahan ang mga paborito nilang player, at pumusta sa esports sa Battlegrounds.

Malinaw na nauunawaan ng mga developer kung ano ang gusto ng mga tagahanga at tinitingnan ang oportunidad na sumabak sa esport. Inanunsyo na na ang unang malaking LAN-tournament ay magaganap sa Gamescom sa Cologne, Germany. Inorganisa ang tournament ng isang higante ng industriya – ESL. 80 player ang lalahok sa event at lalaban para sa pool ng premyo na mahigit $350,000.

Nararapat tandaan na ang PUBG ay may malaking pagkakaiba sa iba pang mga titulo sa esports na laganap ang 1-1 o team vs. team na mga kompetisyon. Gayunpaman, walang duda na napakalaki ng interes sa larong ito at ang papalapit na tournament ay aani ng malaking atensyon sa komunidad ng gaming at esports. Tinataya na ang tournament na ito ay magbibigay ng malaking tulong sa aspeto ng pagiging esports ng proyekto, at dahil dito, ang market ng pagpusta sa Battlegrounds ay lalaki rin.

Ang GG.Bet ang pinakamagandang platform para pumusta sa mga esports tournament dahil sa matalino nitong disenyo at pinakamagagandang odds.