PATAKARAN SA PRIVACY
1. Panimula at Pangkalahatang impormasyon
Ang GG.BET (tinutukoy din bilang “Website”) ay pinamamahalaan ng ASG 360 Services Limited (mula rito ay tinutukoy bilang “ASG 360 Services Limited”, “Kumpanya”, “kami”, “namin”, “amin”) Ang lahat ng mga serbisyo sa pagsusugal ay lisensyado ng River Entertainment B.V. (Lisensya Blg. 8048/JAZ2021-184).
Ang Kumpanya ay nakatuon sa pinakamataas na pamantayan ng pagprotekta at paggalang sa iyong privacy kapag ginamit mo ang Website at ang mga serbisyong ibinibigay namin sa pamamagitan nito.
Inilalarawan ng Patakaran sa Privacy na ito kung paano namin kinokolekta, pinoproseso, at tinitiyak ang seguridad ng iyong data.
Ang mga data controller para sa Website ay ang ASG 360 Services Limited na naging korporasyon sa ilalim ng mga batas ng Republika ng Cyprus, ang nakarehistrong address ay Voukourestiou, 25, Neptune House, 1st floor, Flat/Office 11 Zakaki, 3045, Limassol, Cyprus at ang River Entertainment B.V. na nakarehistro sa ilalim ng mga batas ng Curacao, nakarehistrong address sa Korporaalweg 10,Willemstad, Curacao.
Kung mayroon kang anumang mga katanungan tungkol sa Patakaran sa Privacy na ito, maaari kang makipag-ugnayan sa aming Data Protection Officer sa privacy@gg.bet.
Para sa anumang iba pang mga kahilingan huwag mag-atubiling makipag-ugnayan sa aming Customer Support sa support@gg.bet
2. Anu-anong uri ng data ang kinokolekta namin?
Kinokolekta namin ang iba't ibang uri ng data kapag nakipag-ugnayan ka sa amin at ginagamit ang aming mga serbisyo. Sa kadalasan, ang data ay direkta mong ibinibigay – halimbawa ay kapag nagparehistro ka sa unang pagkakataon. Kasama sa iba pang mga kaso ang mga ikatlong partido o magagamit ng publikong mapagkukunan na nagbabahagi ng impormasyon tungkol sa iyo.
Impormasyong ibinibigay mo sa amin
· Pangalan, email address, numero ng telepono o mobile phone, postal address, petsa ng kapanganakan at kasarian;
· Mga dokumentong kinakailangan para matupad ang aming mga obligasyon sa ilalim ng batas ng AML/CFT tulad ng mga larawan mo at ng iyong mga dokumento at patunay ng address, iba pang sapat na ebidensya (para patunayan ang iyong pagkatao);
· Impormasyong pinansyal – ang Website ay gumagamit ng SSL encryption na tumitiyak sa pagiging kumpidensyal ng iyong impormasyon sa paglilipat ng data. Ang mga operasyon ng pagbabayad ay ganap na isinasagawa sa pamamagitan ng ligtas na server ng gateway ng pagbabayad. Gayunpaman, maaari naming itago ang kasaysayan ng iyong pagdeposito at pag-withdraw at ang limitadong impormasyon sa pagbabayad (halimbawa, ang huling apat na numero ng iyong credit card, bangko na nagkaloob, atbp.);
·
Mga detalye sa pag-log in, kasama ang password at username.
Habang ginagamit mo ang aming mga serbisyo:
· Impormasyon tungkol sa kung paano ka nakikipag-ugnayan at gumagamit ng mga produktong makukuha sa Website;
· Mga komunikasyon sa aming mga tauhan, halimbawa mga tawag, email at mensahe sa aming live chat;
· Data tungkol sa iyong lokasyon, impormasyon sa trapiko, IP address;
· Operating system at plataporma ng mga device na ginamit mo para bisitahin ang Website, uri at bersyon ng browser, wika ng browser, setting ng time zone;
· Impormasyon sa marketing na nagsasaad kung gusto mong makatanggap ng marketing advertisement mula sa amin o sa aming mga kasosyo;
· Maaari rin naming i-access ang mga pampublikong rekord na ginawa mo, halimbawa, social media.
Maaari kaming gumamit ng Pinagsama-samang data, halimbawa, data ng istatistika o demograpiko para sa layuning pagsusuri, pagsisiyasat, analitika, pagpapaunlad, at pagpapahusay ng Website. Ang nasabing data ay maaaring makuha mula sa data na ibinigay mo sa amin, gayunpaman, ang naturang data ay pinananatiling walang-pagkakakilanlan, kaya hindi nito pinapayagan ang sinuman na makilala ka at bilang resulta, ang naturang data ay hindi itinuturing na personal. Ang data na ito ay ginagamit halimbawa para makita kung gaano karaming mga gumagamit ng partikular na edad ang gumagamit ng isang partikular na tampok sa Website.
Sa ilang mga pambihirang pagkakataon, kung magpasya kang ibukod ang iyong sarili mula sa paggamit ng mga serbisyo sa Website, ibibigay namin sa iyo ang karapatang ito at pananatilihin ang naturang kahilingan. Ang nasabing data ay hindi itinuturing na data na nauugnay sa kalusugan.
3. Paano namin ginagamit ang nakolektang data?
Ang hindi pagbibigay ng personal na data na inaatas ng batas o kontrata ay mangangahulugan na ang kontrata sa iyo ay hindi maipagpapatibay at hindi ka maaaring gumamit ng aming mga serbisyo. Bukod pa rito, ginagamit ang ilang data para isapersonal at pahusayin ang paggamit ng aming mga serbisyo at makipag-ugnayan sa iyo nang may mahalagang impormasyon paminsan-minsan. Hindi ka obligadong bigyan kami ng ganitong personal na data.
Inaataasan kami ng batas na tukuyin ang ligal na batayan kung saan namin pinoproseso ang data na nakuha namin mula sa iyo. Walang pinag-isang paraan para ilarawan ang ligal na batayan ng aming pagpoproseso, kaya nahahati ang mga ito sa sumusunod na subsection.
Una, kinakailangan naming makipagkontrata sa iyo. Sa paggamit sa Website, sumasang-ayon ka sa aming Mga Tuntunin at Kundisyon at iba pang Mga Patakaran (sama-samang tinutukoy bilang "ang Mga Tuntunin"), na isang kontrata na nagtatakda ng ating mga kapwa karapatan at obligasyon habang ginagamit ang Website.
· Umaasa kami sa kontrata para irehistro ang iyong account at bigyan ka ng mga serbisyo sa pagtaya at pagsusugal, iba pang aktibidad o online na nilalaman;
· Paminsan-minsan, maaaring kailanganin mong mag-reset ng password, tumanggap ng mensahe ng serbisyo tungkol sa pagpapanatili o isang abiso tungkol sa update tungkol sa Mga Tuntunin o iba pang mga sitwasyon na ikinategorya namin bilang "Mga layunin sa pangangasiwa ng website";
· Para iproseso ang iyong mga transaksyon.
Pangalawa, ang pagsusugal at pagtaya ay lubos na kinokontrol na aktibidad at dahil dito, obligado kaming sundin ang mga ligal na obligasyong itinakda ng mga regulator at ng iba pang awtoridad para sa mga provider. Para matupad ang mga obligasyong iyon, umaasa kami sa data na nakuha namin mula sa iyo.
Halimbawa, ito ay kinabibilangan ng:
· Para matiyak na nag-aalok kami ng aming mga serbisyo sa mga karapat-dapat na tao (halimbawa, higit sa 18 taong gulang, na hindi nagbukod sa kanilang sarili mula sa mga aktibidad sa pagsusugal/pagtaya, na nagmumula sa isang lokasyon kung saan may karapatan kaming magbigay ng aming mga serbisyo sa ilalim ng lisensyang ipinagkaloob sa amin, atbp.);
· Pag-detect ng krimen, pag-iwas, at pag-uusig (ito ang dahilan kung bakit inilalagay ang mga partikular na pamamaraan ng pagpapatunay at obligado kang sundin ang mga ito);
· Para patunayan ang iyong pagkakakilanlan at itatag ang pinagmumulan ng mga pondo sa anumang transaksyon (kinakailangan naming pigilan ang paggamit ng aming mga serbisyo para sa layunin ng money laundering at iba pang kriminal na aktibidad);
· Para magsagawa ng naaangkop na mga pagsusuri laban sa pandaraya;
· Para masuri at pamahalaan ang anumang mga potensyal na panganib at maiwasan ang problema sa pagsusugal.
Pangatlo, mayroon kaming mga lehitimong interes sa pagpoproseso tulad ng itinakda sa ibaba. Hindi namin ipoproseso ang anumang data kung ang aming mga interes ay na-override ng iyong mga karapatan, kalayaan o interes. Kasama dito ang sumusunod:
a. Para mapabuti ang aming mga serbisyo at produkto
· Para gawing madali ang iyong paggamit ng Website;
· Para subukan ang mga bagong produkto o pag-upgrade ng mga umiiral na;
· Para masuri ang pagiging epektibo ng aming mga hakbang sa marketing
b. Para gawing personal ang iyong karanasan
· Halimbawa, maaari naming gamitin ang kasaysayan ng mga larong nilaro mo para magbigay ng personal na rekomendasyon ng mga laro na maaaring gusto mo;
· O maaari naming makuha ang data ng geolocation para ibigay sa iyo ang mga serbisyo sa iyong katutubong wika, kung mayroon kaming ganoong posibilidad;
c. Para matukoy at maiwasan ang paglabag sa aming Mga Tuntunin.
d. Para lamang makipag-ugnayan sa iyo.
· Para tumugon sa mga isyu, na maaaring mayroon ka paminsan-minsan habang ginagamit ang Website sa pamamagitan ng email, live chat, o sa telepono;
· Paminsan-minsan, maaari kang imbitahan para punan ang isang survey tungkol sa iyong karanasan sa Website. Ang mga nasabing aktibidad ay hindi sapilitan at maaari mong tanggihan ang kahilingan. Ang nasabing pagtanggi ay hindi makakaapekto sa iyong kakayahang gamitin ang Website sa anumang paraan.
Pang-apat, sa ilalim ng iyong malayang pahintulot.
Kung pumayag ka na tumanggap ng impormasyon tungkol sa mga alok at balita tungkol sa aming mga produkto gamit ang iba't ibang paraan ng komunikasyon, katulad ng email, SMS, phone, atbp., padadalhan ka namin ng kaukulang impormasyon
Maaari mong bawiin ang iyong pahintulot anumang oras gamit ang phone o sulat. Maaari kang mag-opt out sa mga marketing na komunikasyon anumang oras sa pamamagitan ng pagkontak sa aming customer support team o sa pagsunod ng "Mag-opt out" na mga tagubiling kabilang sa anumang marketing na komunikasyon na maaaring natanggap mo mula sa amin. Kung mago-opt out ka, hindi ka na tatanggap ng mga marketing material. Para mag-opt out sa pagtanggap ng mga push notification, maaari mo lang i-disable ang push notification sa iyong device settings.
4.
Kung kanino namin ibinabahagi ang iyong personal na data
Sa panahon ng negosyo, kinakailangan naming ibahagi ang data kasama ang iyong personal na data sa mga ikatlong partido. Sa mga kasong ito, tinitiyak namin na ang mga ikatlong partido na entidad ay may sapat na antas ng proteksyon at seguridad ng data at ang karapat-dapat na antas ng mga panangga ay ginagamit sa panahon ng paglilipat.
May karapatan kaming ibahagi ang iyong personal na data sa mga ikatlong partido, kabilang ngunit hindi limitado sa pulisya, mga bangko, mga yunit ng integridad sa pananalapi, mga tagapagbigay ng sistema ng pagpapatunay ng address at ID, mga nagbibigay ng serbisyo sa pagbabayad at iba pang mga institusyong pampinansyal para sa anti-money laundering, pag-iwas sa krimen at/o mga layunin ng kontrol. Higit pa rito, inilalaan namin ang karapatang ibunyag ang iyong personal na data sa mga nauugnay na ikatlong partido, tulad ng mga regulator, mga yunit ng integridad sa pananalapi, lalo na kapag mayroon kaming mga makatwirang batayan para maghinala ng mga iregularidad na kinasasangkutan ng iyong account;
Maaari naming ibahagi ang iyong data para sa mga layunin ng regular na operasyon, tulad ng mga serbisyo sa pagbabayad, mga bangko, mga gamit sa komunikasyon ng kostumer, mga gamit sa pagpapatunay ng ID, mga supplier ng laro atbp.;
Maaari naming ibahagi ang iyong impormasyon sa mga ikatlong partido na entidad tulad ng mga kumpanya ng transportasyon o iba pang entidad kung saan kami nakipagtulungan sa aming mga aktibidad na pang-promosyon kung saan ka nakilahok para maihatid ang mga panalo o premyo sa iyo;
Maaari naming ibahagi ang iyong impormasyon kapag kinakailangan naming itatag, gamitin o ipagtanggol ang aming mga ligal na karapatan;
Kapag inutusan kami ng regulatory body o ng awtorisadong awtoridad;
Sa mga panlabas na auditor na maaaring magsagawa ng mga independiyenteng pagsusuri bilang bahagi ng aming mga akreditasyon;
Sa ikatlong partido na entidad kung sakaling ibenta o ilipat namin (o pumasok sa proseso ng negosasyon) ang aming negosyo o alinman sa aming mga karapatan o obligasyon sa ilalim ng anumang kasunduan na maaaring mayroon kami sa iyo. Kung matuloy ang paglipat o pagbebenta, maaaring gamitin ng organisasyong tumatanggap ng iyong personal na data ang iyong personal na data sa parehong paraan tulad ng sa amin;
Sa sinumang iba pang mga kahalili sa titulo ng aming negosyo.
5. Paano namin iniimbak at kailan namin inililipat ang iyong personal na data
Iniimbak namin ang aming data sa loob ng European Economic Area (“EEA”). Gayunpaman, ang ilan sa aming mga kapartner na nagbibigay sa amin ng mga serbisyong mahalaga sa aming kakayahang mag-alok sa iyo ng aming mga produkto sa pagsusugal/pagtaya, halimbawa ng software, serbisyo sa pagbabangko at pagbabayad, atbp. ay maaaring nasa labas ng EEA.
Tinitiyak namin na mayroong naaangkop na mga kontrol ng kontrata sa anumang ikatlong partido na tumutulong sa amin na iproseso ang iyong data, na nagsisiguro na ang iyong mga karapatan ay itinataguyod at ang iyong data ay ligtas. Umaasa kami sa mga sumusunod na paraan para sa paglilipat ng personal na data sa labas ng EEA:
· Naglilipat kami ng personal na data sa isang ikatlong bansa kapag nagpasya ang European Commission na natitiyak ng nasabing ikatlong bansa ang sapat (adequate) na antas ng proteksyon. Para sa higit pang detalye, tingnan ang opisyal na website ng European Commission;
Kung saan kami gumagamit ng mga nagbibigay ng serbisyo na hindi sakop ng mekanismo ng kasapatan (adequacy mechanism), tinitiyak namin na may mga nakalagay na karagdagang pansanggalang at hakbang gaya ng inaatas, kabilang ang pagsasama ng mga espesipikong kontrata na inaprubahan ng European Commission. Para sa higit pang detalye, tingnan ang opisyal na website ng European Commission.
Kung nais mo ng karagdagang impormasyon sa espesipikong mekanismo na aming ginagamit kapag naglilipat ng iyong personal na data sa labas ng EEA, mangyaring makipag-ugnayan sa amin.
6. Gaano katagal namin itatago ang iyong personal na data?
Ang iyong personal na data ay itatago sa loob ng anim (6) na taon simula sa petsa ng pagsasara ng iyong account at pagwawakas ng iyong kontrata sa GG.BET. Ang panahong ito ay batay sa: i) Aming ligal na obligasyon sa ilalim ng batas sa Anti-money laundering at sa counter terrorist financing (AML/CTF). Ang batas na ito ay nag-oobliga sa amin na itago ang iyong data ng pagkakakilanlan, data ng pagpapatunay (data na ginagamit para sa pagpapatunay), at ang data na nauugnay sa iyong mga transaksyon sa loob ng limang (5) taon simula sa petsa na isinara mo ang iyong account sa GG.BET. ii) Panahon ng limitasyon na 6 (anim) na taon. Ang panahon ng limitasyon ay isang yugto ng panahon pagkatapos ng isang kaganapan kung saan maaaring magsimula ang mga ligal na paglilitis. iii) Pag-iwas sa muli at/o paulit-ulit na pagpaparehistro. Iiimbak namin ang iyong data sa loob ng tinukoy na yugto ng panahon para maiwasan ang muli o paulit-ulit na pagpaparehistro ng mga user na nagsara ng kanilang mga account.
Ang panahong ito ay maaaring madagdagan ng mga karagdagang ligal na obligasyon (halimbawa, sa kaso ng isang utos o direktiba ng mga awtoridad). Sa kasong ito, bibigyan ka pa ng karagdagang abiso.
7. Seguridad ng data
Nakatuon kami sa pagprotekta ng data na ipinagkatiwala sa amin. Ginagamit namin ang lahat ng makatwirang hakbang para matiyak na ang lahat ng impormasyong nakolekta habang ginagamit mo ang Website ay ginagamit nang ligtas at naaayon sa Patakaran na ito at naaangkop na batas sa larangan.
8. Ang iyong mga karapatan
Alinsunod sa naaangkop na batas ay may karapatan kang gumamit ng mga partikular na karapatan patungkol sa iyong personal na impormasyon. Maaari mong gamitin ang bawat isa sa mga karapatang ito sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa aming DPO o Customer Service sa pamamagitan ng pagbibigay ng pangalan sa karapatang nais mong gamitin at sa pamamagitan ng pagsasabi ng dahilan para sa naturang kahilingan, kung naaangkop.
1) Karapatang ma-access
May karapatan kang malaman kung nagpoproseso kami ng personal na data tungkol sa iyo, at kumuha ng kopya ng naturang data kung talagang pinoproseso namin ito. Pakitandaan na pinoproseso namin ang iba't ibang uri ng data at ang pagbubunyag ng naturang data sa taong hindi nagmamay-ari ng naturang data ay maaaring magdulot ng pinsala sa isang paksa ng data. Kaya maaaring kailanganin mong magbigay ng karagdagang patunay para matukoy namin ang isang taong humihiling.
2) Karapatan na itama ang impormasyong mayroon kami tungkol sa iyo
May karapatan kang hilingin na baguhin ang impormasyong hawak namin tungkol sa iyo kung mali o hindi napapanahon ang data. Halimbawa, nagpakasal ka at binago ang iyong apelyido, o binago ang iyong address.
3) Karapatang tanggalin ang data na hawak namin tungkol sa iyo (“Karapatang makalimutan”)
May karapatan kang hilingin sa amin na tanggalin ang data na hawak namin tungkol sa iyo kung walang magandang dahilan para patuloy naming iproseso ito.
Ang karapatang ito ay hindi ganap, dahil mayroon kaming ligal na obligasyon na panatilihin ang personal na impormasyon ng mga user para sa anti-money laundering, pag-iwas sa krimen, atbp. Kung hindi namin matutupad ang iyong kahilingan, ipapaalam namin sa iyo ang tungkol dito.
4) Karapatang higpitan ang pagproseso
Maaari mong hilingin sa amin na ihinto ang pagproseso ng data para sa partikular na layunin o sa kabuuan. Iiimbak pa rin namin ang iyong data, ngunit hindi namin ito gagamitin para sa aming mga partikular na layunin, kung mayroon kang makatwirang batayan para hilingin ito. Tandaan na ang karapatang ito ay hindi ganap at sa ilang partikular na sitwasyon ay maaari kang tanggihan sa iyong kahilingan.
5) Karapatan sa data portability
Bibigyan ka namin ng kopya ng data sa anyo na madaling maunawaan, para magamit mo ang impormasyon para sa iyong mga layunin. Maaaring kailanganin namin ang karagdagang pagpapatunay mula sa taong gumagawa ng naturang kahilingan dahil sa mga kadahilanang inilarawan sa itaas.
6) Karapatang tumutol
Maaari kang tumutol sa aming pagproseso ng iyong personal na data para sa mga layunin ng marketing, o iba pang mga sitwasyon kung saan naniniwala kang wala kaming ligal na batayan para iproseso ang impormasyon
7) Karapatang bawiin ang pahintulot
Kung aasa kami sa iyong pahintulot na iproseso ang iyong data, may karapatan kang bawiin ang nasabing pahintulot anumang oras. Para bawiin ang iyong pahintulot, pakikontak ang aming customer support team o sundan ang "Mag-opt out" na mga tagubiling kabilang sa anumang marketing na komunikasyon na maaaring natanggap mo mula sa amin.
9.
Patakaran sa Cookie
Ang mga cookie ay maliliit na text file na naglalaman ng impormasyon na dina-download at iniimbak sa iyong device kapag binisita mo ang Website. Ginagamit ang mga ito ng karamihan sa mga website para mapabuti ang iyong karanasan at para matiyak na ang mga paggana ng website ay naihahatid at ginagamit sa mas epektibong paraan.
Maaaring gumanap ang mga cookie ng iba't ibang paggampan. Ang ilan ay may kaugnayan sa sesyon, dina-download ang mga ito para sa tagal ng panahon na gumamit ka ng isang partikular na site. Pinahihintulutan ka ng mga ito na mag-navigate sa pagitan ng mga pahina nang mas mahusay, at hayaan ang website na matandaan ang mga pagpili na ginawa mo. Ang iba ay mga constant cookie na naka-imbak sa iyong device at hinahayaan ang website na maalala ka bilang isang bumabalik na bisita.
Ang aming Website ay gumagamit ng mga cookie para matukoy kung paano ka nagna-navigate sa Website at pagbutihin ang iyong karanasan habang ginagawa ito; kolektahin at ibahagi ang data para sa mga layunin ng pagtuklas ng panloloko at mga layunin ng anti-money laundering; para matukoy ang mga iregularidad na konektado sa device at maiwasan ang pag-access sa account mula sa ibang device
Sumasang-ayon ka na sa paminsan-minsan ay maaari kaming maglagay ng mga cookie sa iyong device para mag-save ng ilang impormasyon (halimbawa, pangalan, teknikal na impormasyon ng password, IP address) para makilala ka bilang isang user.
Maaari mong baguhin ang iyong mga setting ng browser para harangan ang ilan o lahat ng mga cookie. Para magawa ito, bisitahin ang seksyon ng Mga Setting ng iyong browser at sundin ang mga tagubilin nito. Ang pagharang sa ilang mga cookie ay maaaring magdulot na hindi mo magamit ang ilan sa mga paggana ng Website.
Ang Website ay gumagamit ng mga sumusunod na cookie:
_locale |
Tinatandaan ang wika na gusto mo |
gfrcoid |
Hinahawakan ang pangalan ng sesyon ng kasalukuyang sesyon |
_auth |
Cookie na ginagamit para masuri kung awtorisado ang user |
paseto |
Hinahawakan ang security token |
_ga*,gid |
Mga cookie ng Google analytics, maaari kang mag-opt out sa paggamit ng mga Cookie na ito sa pamamagitan ng pag-click sa link na http://tools.google.com/dlpage/gaoptout and at pagsunod sa mga tagubilin |
Gumagamit kami ng mga third-party na cookie (tulad ng Google Analytics) para makakuha ng impormasyon tungkol sa pakikipag-ugnayan ng user sa Website para mabuo at mapabuti ang karanasan ng customer at makapagbigay ng mga na-optimize na serbisyo
Makakahanap ka ng karagdagang impormasyon tungkol sa mga cookie sa allaboutcookies.org.
10. Ang karapatang magsampa ng reklamo
Kung naniniwala kang mali ang paghawak namin sa iyong data, maaari kang magreklamo sa aming Data Protection Officer sa pamamagitan ng pag-email privacy@gg.bet.
Kung hindi ka nasisiyahan sa isang tugon o naniniwala na pinoproseso namin ang iyong data na hindi alinsunod sa naaangkop na batas, may karapatan kang magsampa ng reklamo sa isang awtoridad sa pangangasiwa, sa partikular, sa bansa ng iyong nakagawiang paninirahan, lugar ng trabaho ng sinasabing paglabag. Magiliw naming hinihiling na kung maaari ay subukan mo munang lutasin ang anumang isyu mo sa amin (bagaman gaya ng nakasaad sa itaas, may karapatan kang makipag-ugnayan sa maaasahang regulator anumang oras).
11.
Mga Pagbabago sa Patakaran
Maaari naming baguhin ang Patakaran sa Privacy na ito paminsan-minsan para maipakita ang mga pagbabago sa batas o ang aming mga kasanayan sa pagtrato sa iyong impormasyon..
Ang pinakabagong bersyon ay palaging magagamit sa website na may Epektibong Petsa ng nasabing Patakaran. Kung hindi ka sang-ayon sa mga pagbabagong ginawa ng nasabing mga update, dapat mong ihinto ang pagsusumite ng impormasyon at ang paggamit ng aming mga serbisyo sa anumang paraan. Kung patuloy mong gagamitin ang Website, ituturing itong pagtanggap sa mga pagbabago sa Patakaran sa Privacy.
Kung may malalaking pagbabago, aabisuhan ka sa pamamagitan ng email o iba pang paraan ng komunikasyon.
PETSA Abril 22, 2024