Pagtaya sa Counter-Strike

Inirerekomenda

Counter Strike: Global Offensive
CS:GO

Counter-Strike ay isang multiplayer first-person shooter video game, bahagi ng matagal nang Counter-Strike series na nilikha bilang isang amateur mode para sa Half-Life, ngunit bigla itong naging isang matagumpay na standalone game. Mahirap makahanap ng hindi pa nakakarinig ng tungkol sa laro, dahil napakapopular nito sa mga player anuman ang edad. Higit pa rito, ito ay isa sa mga pinakapopular na multiplayer game sa kasaysayan at, dahil dito, ang pagpusta sa CSGO ay may malaking bahagi ng mga online gaming market.

Hindi Namamatay ang mga Classic

Ang nagsimula bilang isang simple mode ay naging isang nagsasarili at lubhang matagumpay na serye, at ang Counter-Strike: Global Offensive ay ang pinakabagong nadagdag sa pamilya ng FPS. Naririto ang lahat ng nagustuhan natin sa mga nakaraang kabanata - kabilang ang mga classic na mapa, mga pamilyar na weapon at mabilis na gameplay - pati na rin ang iba’t ibang malalaking improvement, katulad ng makabagong graphics, modernong sistema ng matchmaking, mga bagong mode at marami pang iba. Ngunit hindi nagbago ang pangunahing konsepto - ang Counter-Strike ay isa pa ring object-based shooter na may dalawang team. Sa scenario na may pagtatanim ng bomba, sinusubukan ng mga Terrorist na magtanim ng bomba, habang pinipigilan sila ng mga Counter-Terrorist. Sa iba pang uri ng mga mapa, kailangang i-rescue ng mga CT ang mga hostage na hawak ng mga Terrorist. Medyo maliit ang mga mapa, kaya ang gameplay ng CSGO ay aktibo at kapana-panabik para sa pagpusta.

Higante sa Esports

Nasa Counter-Strike ang lahat ng dapat makita sa isang online game - ito ay talagang competitive at masarap panoorin at magandang opsyon para sa mga mahilig pumusta. Upang manalo, hindi sapat ang mahusay - kailangan mo ng malalim na pag-unawa sa mechanics at estratehiya ng laro. Kahit ang taong hindi naglalaro ay maaaring manood ng mga tournament at matuwa sa kapana-panabik na palabas na binibigay ng CS:GO.

Sa loob ng ilang taon, nagbago ang eksena ng Counter-Strike at naging halimbawa sa iba pang mga laro. Nahanap ng Valve ang magandang balanse sa lahat: may mga nagsasariling premier tournament at malalaking tournament na sinusuportahan ng Valve; sapat ang laki ng mga papremyo para matapatan ang iba pang mga disiplina sa esports, ngunit hindi masyadong malaki para mawalan ng halaga ang mga organisasyon habang nangyayari ito sa iba. Sa kabaligtaran nito, sinusubukan ng mga player na manatili sa kanilang mga organisasyon dahil pinapahalagahan nila ang kanilang sahod at tinutupad nila ang mga tuntunin ng mga kontrata, kaya nagkakaroon ng matibay na mga roster. Lahat ng ito ang dahilan kung bakit magandang opsyon ang Counter-Strike para sa mga investor at pinapaganda nito ang progreso ng market.

Ang pagpusta sa CS:GO ay isang popular na uri ng mga pusta sa esports dahil sa likas na pagiging competitive ng laro. Ang komeptisyon ay matibay at ang mga panuntunan ay malinaw, kaya maaaring pag-aralan ng mananaya ang sitwasyon, gumawa ng prediksyon, at manalo ng malaki. Ang GG.Bet ay isang magandang opsyon para sa pagpusta sa Counter-Strike - pinakamagandang opsyon ng mga event, malaking seleksyon ng mga opsyon sa pagbabayad at makatwirang odds!