Pagtaya sa Smite
Ang Smite ay isang third-person multiplayer online battle arena (MOBA) game na binuo at inilabas ng Hi-Rez Studios.
Battle para sa Titan
Sa laro ay magkalaban ang dalawang team na may tig-limang player na nagtatangkang sirain ang base ng kalaban, gamit ang mga abilidad at team tactics laban sa iba pang mga character na kontrolado ng mga player at mga minion na hindi kontrolado ng mga player.
Sa simula ng bawat match, nilalagay ang mga player sa dalawang magkahiwalay na base sa magkabilang dulo ng mapa, na kinokonekta ng tatlong daan (Kaliwa, Gitna at Kanan), kung saan ang bawat isa ay pinoprotektahan ng dalawang tore at isang Phoenix (mas malakas na version ng tore). Ang pangunahing pakay ay sirain ang mga tore ng kalaban at siran ang kanilang Titan, habang pinipigilan silang gawin ito sa iyo.
Pagpasok sa eSports
Mula sa pagkakabuo ng proyekto, binuo ang Smite habang isinasaisip ang eSports. Noong 2015, nag-host ang Hi-Rez Studios ng unang Smite World Championship. Dito ay naglaban ang mga team mula sa North America, South America, Europe at China para sa $2.6 milyong papremyo. Noong panahong iyon, ito ay pangatlong pinakamataas na papremyo sa eSports, na kasunod lang ng ikatlo at ikaapat na installment ng The International ng Dota 2.
Para sa 2016, naglagay ang Hi-Rez Studios ng cap na $1 milyon sa papremyo para sa Smite World Championships. Ginawa ang desisyon upang makapagbigay ng mas marami sa iba’t ibang tournament sa buong taon sa halip na ibigay ang lahat ng perang papremyo sa iisang event.
Bawat major Smite kompetisyon ay masusubaybayan sa gg.bet, kaya maghanda nang maglagay ng mga pusta sa e-sports sa mga paborito mong team!