Pagtaya sa World of Tanks

Inirerekomenda

World of Tanks
WoT

Ang World of Tanks ay isang team-based massively multiplayer online game na binuo ng Wargaming. Ito ay nakasentro sa mga sasakyang pandigma ng ika-20 siglo. Tampok dito ang player vs. player combat kung saan ang bawat player ay may kontrol na armored vehicle, na maaaring light, medium, o heavy tank, tank destroyer, o self-propelled gun.

Duwelong naka-Armor

Habang nasa gameplay, kinokontrol ng player ang isang armored vehicle na kanyang pinili, at nilalagay ito sa isang laban sa isang mapa na pinili nang random. May kontrol ang player sa galaw at weapon ng sasakyan, at maaaring makipag-usap sa iba pang mga player sa pamamagitan ng typed o voice chat, at ilang preset action na nagbibigay ng tactical instruction na nakikita lang ng kanilang team. Napapanalunan ang match sa pamamagitan ng pagsira sa lahat ng sasakyan ng kalabang team o pagsakop ng base.

Wargaming.net League

Bagaman hindi ito nakaposisyon para sa propesyonal na competitive gaming noong ito ay ilunsad, kilalang-kilala ang World of Tanks sa larangan ng eSports. Ito ay nagsimula bilang larong eSports sa World Cyber Games noong 2012. Simula 2014, nagho-host ang Wargaming ng Wargaming.net League (WGL) na may taunang Grand Finals at $300,000 papremyo.

Dahil sa napakalaking player base at ilang competitive propesyonal na tournament, nag-aalok ang World of Tanks ng magagandang tsansa para sa mga mananaya. Tiyaking hindi mo mapapalampas ang oportunidad na online pumusta sa mga esports team sa gg.bet!