Mga tuntunin at kundisyon

1. PANIMULA

1.1. Sa paggamit at pagbisita sa kahit anong seksyon ng GG.BET (“ Website”) o sa pagbubukas ng isang account sa Website, sumasang-ayon kang naintindihan mo at tinatanggap mo at nasasakop ka ng: Mga Pangkalahatang Tuntunin at Kundisyon na ito, Patakaran sa Privacy, Panuntunan sa pagpusta, mga tuntunin sa pagpusta ng bonus, mga tuntunin sa bonus sa casino, mga tuntunin ng bonus sa Insta games at ano pa mang tuntunin at kundisyon ng mga promosyon, kahit anong mga alituntunin ng laro, mga bonus at mga espesyal na alok na pana-panahong matatagpuan sa Website. Lahat ng mga tuntunin at kundisyon na nakalista sa itaas ay sama-samang tutukuyin bilang "ang Mga Tuntunin". Pakisuyong basahing mabuti ang Mga Tuntunin bago tanggapin ang mga ito. Kung hindi ka sumasang-ayon na tanggapin at masakop ng Mga Tuntunin, pakisuyong huwag magbukas ng isang account o magpatuloy sa paggamit ng Website. Ang pagtuloy mo sa paggamit ng Website ay magpapatibay ng iyong pagtanggap sa Mga Tuntunin.

PANGKALAHATANG MGA TUNTUNIN AT KUNDISYON

2. MGA PARTIDO

2.1. Ang GG.BET ay pinapatakbo ng ASG 360 Services Limited, isang kumpanyang rehistrado sa Republic of Cyprus, na may pangunahing lugar ng negosyo sa: Voukourestiou, 25, Neptune House, 1st floor, Office 11 Zakaki, 3045, Limassol, Cyprus; Registration number: HE 441291. Lahat ng serbisyo sa pagsusugal ay lisensyado sa pamamagitan ng River Entertainment (License No. 8048/JAZ2021-184) B.V., Address: Korporaalweg 10, Willemstad, Curaçao, Registration number: 158146, na isang parent company ng ASG 360 Services Limited. Ang mga terminong “kami”, “amin”, “namin” at “ang Kumpanya” ay tumutukoy sa ASG 360 Services Limited, maliban kung hindi naman partikular na nakasaad.

3. MGA PAGBABAGO SA MGA TUNTUNIN

3.1. Nakalaan sa Kumpanya ang karapatang susugan, baguhin, i-update at palitan ang anuman sa Mga Tuntunin para sa maraming kadahilanan, kabilang ang ligal, komersyal o pangkostumer na serbisyo. Available sa Website ang pinakabagong Mga Tuntunin at magkakabisa sa mismong oras ng pagkakalathala ng mga ito. Ipaaalam namin sa manlalaro ang anumang naturang pagsusog, pagbabago o pagpapalit sa pamamagitan ng paglalathala ng bagong bersyon ng Mga Tuntunin sa Website. Responsibilidad ng manlalaro na tiyaking sumasang-ayon siya sa kasalukuyang Mga Tuntunin at Kundisyon, at papayuhan ng Kumpanya ang manlalaro na regular na subaybayan ang mga update. Nakalaan sa Kumpanya ang karapatang baguhin ang Website, mga serbisyo at software at palitan ang mga hinihinging ispesipikasyon ng system na kinakailangan upang maakses at magamit ang mga serbisyo sa anumang oras nang walang paunang abiso.

3.2. Kung hindi katanggap-tanggap sa iyo ang anumang pagbabago, maaari kang huminto sa paggamit ng Website, at isara ang iyong Account sa pamamagitan ng pagtalima sa talata 12 ng Mga Tuntunin. Ang patuloy mong paggamit ng anumang bahagi ng Website pagkatapos ng petsa na kung saan isinaad na magkakabisa ang Mga Tuntunin ay ituturing na pagtanggap mo na masakop ng binagong Mga Tuntunin, kabilang ang anumang mga pagdadagdag, mga pag-aalis, mga pagpapalit o ibang mga pagbabago sa pagkakakilanlan ng Kumpanya sa talata 2.1 ng Mga Tuntunin, naabisuhan ka man o hindi, o nabasa mo man o hindi ang binagong Mga Tuntunin.

4. MGA KINAKAILANGANG LIGAL

4.1. Walang sinumang wala pa sa edad na 18 o wala pa sa edad ng ligal na pagpapahintulot para sa pagsali sa mga gawaing kabilang sa mga serbisyo sa ilalim ng mga batas ng kahit saang hurisdiksyon, alinman ang mas mataas na (“Ligal na Edad”) ay maaaring gumamit ng mga serbisyo sa ilalim ng anumang kalagayan at sinumang taong wala pa sa Ligal na Edad na gumagamit ng mga serbisyo ay lalabag sa mga tuntunin ng Mga Tuntuning ito. Nakalaan sa Kumpanya ang karapatang humiling ng patunay ng edad sa anumang antas upang tiyakin na ang mga taong wala pa sa Ligal na Edad ay hindi gumagamit ng mga serbisyo. Maaaring kanselahin ng Kumpanya ang account ng isang tao at alisin ang isang tao mula sa paggamit ng mga serbisyo kapag hindi ibinigay ang patunay ng edad o kapag pinaghihinalaan ng Kumpanya na wala pa sa Ligal na Edad ang isang taong gumagamit ng serbisyo.

4.2. Ang online na pagsusugal ay maaaring hindi ligal sa ilang hurisdiksyon. Nauunawaan at tinatanggap mo na hindi ka mabibigyan ng Kumpanya ng anumang payong ligal o mga pagtitiyak na may kaugnayan sa paggamit mo ng mga Serbisyo at hindi kumakatawan o kung anuman ang Kumpanya para sa pagiging-ligal ng mga Serbisyo sa iyong hurisdiksyon. Ang paggamit ng mga serbisyo sa Website ay nasa sarili mong pagpili, pagpapasya at panganib, at ikaw ang natatanging responsable para sa pagtiyak kung ligal ba ito o hindi sa iyong hurisdiksyon.

4.3. Hindi naglalayon ang Kumpanya na salungatin mo ang naaangkop na batas. Kakatawan, gagarantiya, at sasang-ayon ka upang matiyak na ang paggamit mo ng mga serbisyo ng Website ay tatalimasa lahat ng naaangkop na batas, kautusan at regulasyon. Walang pananagutan ang Kumpanya para sa anumang iligal o walang-pahintulot na paggamit mo ng mga serbisyo ng Website.

4.4. Hindi pinapayagan ng Kumpanya na buksan ang mga account ng, o magdeposito o kaya’y gamitin mula sa, mga kostumer na matatagpuan o naninirahan sa Afghanistan, American Samoa, Aruba, Australia, Belgium, Bonaire, Curacao, Cyprus, Democratic People's Republic of Korea (North Korea), Ethiopia, France, French Guiana, French Polynesia, Great Britain, Guam, Guyana, Iran, Iraq, Israel, Italy, Laos, Malta, Netherlands, Portugal, Pakistan, Russian Federation, Saba, Samoa, Saudi Arabia, Serbia, Singapore, Spain, Sri Lanka, St. Eustatius, St. Maarten, Sudan, Syria, Trinidad and Tobago, Turkey, Uganda, United States of America, Vanuatu, Yemen. Maaaring pana-panahong baguhin ng Kumpanya ang listahan ng mga hurisdiksyon mayroon man o walang abiso. Sumasang-ayon kang hindi ka pinapayagang magbukas ng account, o kaya’y tangkaing gamitin ang Account Mo, kung nakabase ka sa hurisdiksyong ito.

4.5. Ang listahan ng mga hurisdiksyon ay maaaring baguhin ng kumpanya nang walang paunang pagpapaalam sa mga customer. Sumasang-ayon ka na hindi ka magbubukas ng account o magdedeposito ng pondo sa isang account habang ikaw ay nasa teritoryo ng isa sa mga hurisdiksyong nakalista sa itaas. Kung ginawa mo, nilalaan namin ang karapatang isara ang iyong account at i-refund ang anumang natitirang balanse.

4.6. Buong-buo kang may pananagutan para sa anumang naaangkop na mga buwis at bayarin na magreresulta mula sa mga kitang natamo mula sa paggamit ng Website. Kung binubuwisan ang mga napanalunan sa iyong hurisdiksyon, obligado kang itala at iulat ang mga napanalunan sa naaangkop na mga otoridad.

5. PAGBUBUKAS NG ACCOUNT MO

5.1. Upang makapagbukas ng isang account (“Account Mo”) para magamit ang mga serbisyo ng Website, kailangan mong ibigay ang iyong e-mail address, pumili ng password at punan ang mga kinakailangang impormasyon para makupleto ang pagpaparehistro sa pamamagitan ng pagbibigay sa amin ng personal na impormasyon, kabilang ang iyong pangalan, petsa ng kapanganakan at numero ng telepono.

5.2. Para patunayan ang iyong pagkakakilanlan, nakalaan sa Kumpanya ang karapatang humiling, sa anumang oras, ng katanggap-tanggap na patunay ng pagkakakilanlan. Ang kabiguang magbigay ng naturang dokumentasyon ay maaaring magresulta sa suspensyon ng account.

5.3. Pinatutunayan mong nakapagbigay ka ng akma, kumpleto at totoong impormasyon tungkol sa inyong sarili sa panahon ng pagpaparehistro at pananatilihin ang pagiging-akma ng iyong impormasyon sa pamamagitan ng agarang pag-a-update ng anumang impormasyon sa pagrerehistro na maaaring maaaring nabago. Ang kabiguang gawin ito ay maaaring magresulta sa pagsasara ng account, mga paglilimita sa account o pagpapawalang-bisa ng anumang transaksyon.

5.3.1. Ang mga misprint o error sa personal data na maaaring makumpirma ng dokumentasyon habang nasa beripikasyon ay maaaring ituring na hindi malaki at hindi humahantong sa anumang anyo ng paghihigpit na ilalapat sa account ng customer.

5.4. Kung mayroon kang anumang katanungan o kung makakaranas ka ng anumang problema sa panahon ng pagpaparehistro, maaari mong kontakin ang Support Service sa pamamagitan ng pagpapadala ng isang email sa support@gg.bet

5.5.BOLUNTARYONG PAGTALIKOD

5.5.1. Bawat customer ay maaari lang magbukas ng isang account sa website. Anumang karagdagang account na binuksan ng customer ay ituturing na duplicate account. Nilalaan namin ang karapatang isara ang mga ganitong account, humingi ng mga dokumento mula sa customer para kumpirmahin ang kanyang pagkakakilanlan, at itigil ang anumang aktibidad sa nasabing account hangga't hindi nakukumpirma ng customer ang kanyang pagkakakilanlan. Kung sakaling ang duplicate account ay hindi ginamit nang sinasadya para magsagawa ng mga aktibidad gamit ang maraming account ng isang customer, at kung hindi nilabag ang mga kaukulang tuntunin at kundisyon, maaari namin payagan ang nasabing customer, ayon sa aming pagpapasya, na mag-withdraw ng anumang pondong nadeposito sa duplicate account, na ibinabawas ang anumang halagang nauna nang na-withdraw, basta't lahat ng pustang nilagay mula sa nasabing account ay nakansela. Kung sakaling natuklasan ang patunay ng pandaraya, lahat ng pusta ay mawawalan ng bisa at ang mga nasabing account ay iba-block nang walang mawi-withdraw na pondo.

5.5.2. Kung nais ng customer na i-block ang sarili niyang account sa loob ng takdang panahon, kailangan niyang makipag-ugnayan sa Customer Support team gamit ang feedback form. Sa oras na isinaalang-alang ang kahilingan ng customer, maba-block ang kanyang account sa loob ng panahong isinaad niya at anumang pondo sa account ay mare-refund ayon sa kahilingan ng customer. Maa-access ulit ng customer ang kanyang account sa oras na lumipas na ang nakasaad na takdang panahon. Kung ang nasabing customer ay lumikha ng bagong account sa website, ito ay maaaring ituring na paglabag ng mga panuntunan alinsunod sa panuntunan 5.5 ng kasunduang ito.

5.5.3. Maaari kang magdesisyon na i-exclude ang iyong sarili mula sa paglalaro ng anumang mga laro sa Website nang walang hanggan. Upang gawin ito, kailangan mong makipag-ugnayan sa aming Support Service. Kung nais mong muling buksan ang iyong Account pagkatapos ng ganitong self-exclusion, magagawa mo ito matapos ang 24 (dalawampu't apat) na oras. Makipag-ugnayan sa Support Service upang humiling ng muling pagbukas ng account. Kapag muling binuksan ang iyong Account ayon sa pamamaraang inilarawan dito, ikaw ang magiging responsable para sa anumang pagkawala na mangyayari dahil sa patuloy na paggamit ng iyong Account. Walang mga Account na maaaring muling buksan o muling i-activate sa mga kaso ng pagkagumon sa sugal.


5.5.4. Ang permanenteng pag-block ng account ay eksklusibong magagamit para sa mga customer na nasuri na may o may mga sintomas ng pagkagumon sa pagsusugal. Ang mga ganitong customer ay dapat makipag-ugnayan sa aming Customer Support team gamit ang feedback form upang humiling ng serbisyong ito. Pagkatapos ng masusing pagsusuri at pag-apruba, ang account ay permanenteng ibablock at anumang umiiral na pondo ay ibabalik. Ang anumang pagtatangka na magbukas ng bagong account pagkatapos nito ay ituturing na paglabag sa aming mga tuntunin at haharapin alinsunod sa rule 5.5.1 ng kasunduang ito.

5.6. Kung naisin ng customer na baguhin ang kanyang account currency, kailangan niyang makipag-ugnayan sa Customer Support team gamit ang feedback form. Ang hindi pagpansin sa panuntunang ito ay maaaring ituring na paglabag ng mga panuntunan alinsunod sa panuntunan 5.5 ng kasunduang ito.

5.7. Obligadong ipaalam sa amin ng mga taong nalantad sa pulitika ang tungkol sa kanilang status sa panahon ng pagpaparehistro. Magagawa mo ito sa pamamagitan ng pagkontak sa aming support team gamit ang e-mail sa support@gg.bet matapos mong makumpleto ang iyong pagpaparehistro.

Ang mga Taong Nalantad sa Pulitika ay ang mga sumusunod na indibidwal:

  • mga pinuno ng Estado, mga pinuno ng pamahalaan, mga ministro at deputy o pangalawang ministro;
  • mga miyembro ng parliyamento o ng mga kahalintulad na lehislatibong grupo;
  • mga miyembro ng mga namamahalang grupo ng mga partidong pulitikal;
  • mga miyembro ng korte suprema, ng mga konstitusyunal na hukuman o ng iba pang matataas na antas ng mga panghukumang grupo, ang mga desisyon ay hindi na isasailalim sa higit pang apila, maliban sa mga natatanging kalagayan;
  • mga miyembro ng mga korte ng mga tagasuri o ng mga lupon ng mga bangko sentral;
  • mga ambassador, mga chargé d'affaires at matataas ang katungkulang opisyal ng sandatahang lakas;
  • mga miyembro ng mga grupong administratibo, tagapamahala o tagapangasiwa ng mga negosyong pag-aari ng Estado;
  • mga direktor, mga pangalawang direktor at mga miyembro ng lupon o ng kahalintulad na pagganap ng isang internasyunal na organisasyon.

5.7.1 Sasailalim ang mga Taong Nalantad sa Pulitika sa karagdagang mga pamamaraan ng pagpapatunay kagaya ng nakatakda sa sugnay 6.6 ng Mga Tuntunin na ito.

6. PAGPAPATUNAY NG IYONG PAGKAKAKILANLAN; MGA KINAKAILANGAN SA MONEY LAUNDERING

6.1. Bilang pagsasaalang-alang ng mga karapatang ibinigay sa iyo para gamitin ang mga serbisyo, kinakatawan, ginagarantiyahan, nakikipagkasundo at sumasang-ayon ka na:

6.1.1. Ikaw ay hindi mas mababa sa edad na 18 o hindi mas mababa sa anumang ligal na edad na kinakailangan para sa pagsusugal o mga gawaing paglalaro sa ilalim ng batas o hurisdiksyon na nalalapat sa iyo;

6.1.2. Ikaw ang siyang tunay na nagmamay-ari ng pera sa Account Mo at ang lahat ng detalye na ibinigay mo sa Kumpanya sa panahon man ito ng proseso ng pagpaparehistro o anumang oras pagkatapos nito, kasama ang bilang bahagi ng transaksyon sa pagbabayad ng deposito, ay totoo, kasalukuyan, tama at kumpleto at tumutugma sa pangalang nasa mga credit/debit card o iba pang mga account sa pagbabayad na gagamitin para magdeposito o tumanggap ng mga pondo sa account mo;

6.1.3. Ganap mong nalalaman na mayroong panganib na matalo ang pera kapag nagsusugal sa pamamagitan ng mga serbisyo at buo ang pananagutan mo para sa anumang naturang pagkatalo. Sumasang-ayon ka na ang paggamit mo ng mga serbisyo ay nasa sarili mong pagpili, pagpapasya at panganib. Wala kang mga paghahabol o kung anuman laban sa Kumpanya kaugnay ng iyong mga pagkatalo;

6.1.4. Ganap mong nauunawaan ang mga paraan, alituntunin at pamamaraan ng mga serbisyo at pagsusugal sa Internet sa kabuuan. Nauunawaan mo na responsibilidad mong tiyakin na tama ang mga detalye ng mga pusta at laro. Hindi ka gagawa ng anumang bagay o magpapakita ng anumang gawi na makakasira sa reputasyon ng Kumpanya.

6.2. Sa pamamagitan ng pagsang-ayon sa Mga Tuntunin, pinahihintulutan mo kaming isagawa ang anumang kailanganin namin na mga pagsusuri ng pagpapatunay o na maaaring kailanganin ng mga ikatlong partido (kabilang ang mga grupo ng regulasyon) upang kumpirmahin ang iyong pagkakakilanlan at mga detalye ng kontak (ang “Pagsusuri”).

6.2.1. Sa oras na tumanggi ang customer na kumpletuhin ang proseso ng beripikasyon, nilalaan namin ang karapatang itigil ang lahat ng aktibidad sa kanyang account - lalo na ang pag-withdraw - hanggang makumpleto niya ang proseso ng beripikasyon.
6.2.2. Sa panahon ng beripikasyon, nilalaan namin ang karapatang makipag-usap sa customer gamit ang video call upang makumpirma ang kanyang pagmamay-ari ng gaming account.

6.3. Sa panahon ng mga Pagsusuri na ito, maaari ka naming pagbawalan na mag-withdraw ng mga pondo mula sa Account Mo.

6.4. Kung sa panahon ng beripikasyon ay napatunayang nagbigay ng maling impormasyon, o ang indibidwal na kumumpleto ng video interview ay hindi ang totoong may-ari ng account, ituturing itong paglabag ng mga tuntunin ng kasunduang ito, na nagbibigay sa amin ng karapatan na agad isara ang account ng customer at pigilan siya sa paggamit ng mga serbisyo ng website. Anumang pondong nadeposito ng customer ay maaaring ma-refund, na binabawas ang anumang halaga na naunang na-withdraw.

6.4.1. Kung sa panahon ng beripikasyon ay napatunayan na ang gaming account ay inilipat sa isang third party, ang nasabing account ay isasara at anumang pondo sa account na ito ay mare-refund.

6.5 Kung hindi namin mapatunayan na sumapit na ang manlalaro sa Pinapayagang Edad, may karapatan kaming suspindihin ang account ng manlalaro. Kung ang edad ng manlalaro ay mas bata sa Pinapayagang Edad sa panahon ng pagsasagawa ng mga transaksyon sa Website, maaari naming isagawa ang mga aksyon kagaya ng mga sumusunod:

6.5.1. Isasara ang Account Mo;

6.5.2. anumang pondong nadeposito sa account ay mare-refund at anumang transaksyong naproseso sa panahong ito ay ituturing na hindi valid;

6.5.3. ibabalik sa iyo ang anumang taya o pusta na naisagawa sa panahong iyon;

6.5.4. anumang panalong nakuha habang ang customer ay wala pa sa edad ay ituturing na void.

6.6 Sasailalim sa mga karagdagang paraan ng pagpapatunay ang mga Taong Nalantad sa Pulitika at ang mga kostumer mula sa mga hurisdiksyong may mataas-na-panganib (halimbawa, iyong mga nasa listahan ng mga pinarurusahang bansa o mula sa mga bansang magulo ang kalagayang pampulitika). Kakailanganin ng mga naturang kostumer na magbigay ng mga dokumentong nagpapaliwanag ng pinagmulan ng kanilang kita.

6.7. Maari kaming humiling ng patunay kung saan nagmula ang iyong pondo. Upang mapatunayan ang pinagkunan ng iyong mga pondo, maaari naming hilingin sa iyo na magbigay sa amin ng karagdagang impormasyon at mga dokumento na kukumpirmang may sapat kang mga pondo para isagawa ang iyong pagsusugal. Maaaring maging kabilang ang impormasyon kagaya ng iyong sahod o trabaho, na suportado ng kaugnay na dokumentasyon kagaya ng kopya ng bank statement mo, atbp.

6.8 Sinumang customer na tumanggap ng espesyal na bonus nang hindi nagdedeposito at sinumang nais na mag-withdraw ng pondo mula kanyang pangunahing account, ay kailangang gawin ang sumusunod:

  • kumpletuhin ang beripikasyon ng pagkakakilanlan;
  • magdeposito at i-wager ang nadepositong pondo sa pamamagitan ng paglalagay ng mga pusta na may kabuuang taya na may ilang beses na halaga ng inisyal na deposito (ayon sa pagpapasya ng administrasyon).

Kung anuman sa mga kundisyong ito ay hindi natupad, hindi magagawa ng customer na mag-withdraw mula sa kanyang account. Kapag binibigay ang mga bonus na pera para sa pagrehistro o sa iba pang mga kaso kung saan hindi kailangang magdeposito ng customer para tumanggap ng bonus, hindi magagawa ng customer na i-withdraw ang bonus na pondo hangga't hindi niya nagagawa ang kanyang unand deposito.

7. USERNAME, PASSWORD AT SEGURIDAD

7.1. Pagkatapos ng pagbubukas ng Account Mo, hindi mo dapat ipaalam kahit kanino ang username at password mo. Kapag naiwala o nakalimutan mo ang mga detalye ng Account Mo, maaari mong marekober ang iyong password sa pamamagitan ng pag-click sa link ng “Ipaalala ang Password” sa ibaba ng login window.

7.2. Buong-buo ang pananagutan mong panatilihin ang pagiging kumpidensyal ng iyong password at ikaw ang may natatanging pananagutan para sa anuman at lahat ng aktibidad na magaganap sa ilalim ng iyong account. Ikaw ang mananagot para sa anumang pagkatalong natamo mo o ng ikatlong partido sa Account Mo.

7.3. Kailangang ipaalam mo kaagad sa Kumpanya ang anumang hindi otorisadong paggamit o pagnanakaw ng Account Mo o anumang paglabag sa seguridad. Kapag hiniling, sumasang-ayon kang bigyan Ang Kumpanya ng ebidensya ng naturang pagnanakaw o hindi otorisadong paggamit. Hindi mananagot ang Kumpanya para sa anumang pagkatalo na maaari mong matamo bilang resulta ng paggamit ng kung sino man sa iyong password, nalalamn mo man ito o hindi.

8. MGA DEPOSITO AT PAGWITHDRAW SA/MULA SA ACCOUNT MO

8.1. Kung nais mong makilahok sa pagtaya o paglalaro sa Website, kailangan Mong magdeposito ng pera sa Account Mo.

8.2. Nauunawaan mo na:

8.2.1. lahat ng perang idedeposito mo sa Account Mo ay walang-bahid ng anumang pagiging-iligal at, hindi nagmula sa anumang iligal na mga gawain o pinagkunan; at

8.2.2. lahat ng pagbabayad na isinagawa sa account mo ay otorisado at hindi mo susubukang baliktarin ang pagbabayad na isinagawa sa Account Mo o gumawa ng anumang aksyon na magiging dahilan upang mabaliktad ng ikatlong partido ang naturang pagbabayad, para maiwasan ang anumang lehitimong pananagutan.

8.3. Kinukumpirma ng customer na magdedeposito lang siya ng pondo mula sa kanyang sariling account, bank card, o system, nakarehistro sa pangalan ng customer, at gagamit lang ng kanyang paraan ng pagbabayad para magdeposito ng pondo sa kanyang sariling account. Hindi dapat gamitin ng customer ang mga detalye ng mga third party para mag-withdraw ng pondo at hindi dapat hayaan ang mga third party na mag-withdraw gamit ang mga detalye ng pagbabayad ng customer. Kung napatunayan na ang tuntuning ito ay nilabag, nilalaan namin ang karapatang humingi ng mga dokumento mula sa customer at may-ari ng mga detalye ng pagbabayad. Kung sakaling hindi maibigay ang mga dokumentong ito, nilalaan namin ang karapatang i-block ang nasabing account at itigil ang anumang aktibidad dito hanggang matagumpay na makumpleto ang proseso ng kumpirmasyon ng pagkakakilanlan. Kung nilabag ulit ang tuntuning ito, iba-block ang nasabing account at kukumpiskahin ang lahat ng panalo. Kung sakaling nagdagdag ang customer ng karagdagang opsyon sa pagbabayad, sumasang-ayon siya na kumumpleto ng karagdagang proseso ng beripikasyon para sa paraan ng pagbabayad na iyon.

8.3.1 Maaaring i-extend ang panahon ng pagproseso ng pag-withdraw dahil sa mga prosesong kailangan para sumunod sa mga pamantayan sa regulasyon at industriya. Kasama sa mga prosesong ito, ngunit hindi limitado dito, ang pag-verify ng dokumento, mga pagsusuri ng aktibidad ng account, mga pagsusuri ng wastong pag-iingat ng customer, mga pagsusuri sa pagsunod sa Anti-Money Laundering (AML), mga pagsusuri sa seguridad, atbp. Mahalaga ang mga hakbang na ito para tiyakin ang seguridad at integridad ng lahat ng transaksyon. Isasagawa ang mga karagdagang pagsusuri na ito sa loob ng mga tuntunin na hindi tinutukoy at na kinakailangan para sa kumpirmasyon ng lahat ng detalye.

8.4. Kung kinakailangan ang bank transfer upang maibalik ang pera sa nararapat na may-ari, lahat ng mga isisingil ng bangko ay babalikatin ng tatanggap.

8.5. Nakalaan sa Kumpanya ang karapatang pagbawalan ang pag-withdraw ng mga deposito/pondo kapag ang mga deposito o pondo na iyon ay hindi ginamit para sa paglalaro o pagpusta sa Website alinsunod sa laking itinakda ng Kumpanya. Itinatakda ng Kumpanya ang laki na ito batay sa kalagayan ayon sa sarili nitong pagpapasya.

8.6. Hindi kami tumatanggap ng mga ipinadadala sa aming pondong cash. Nakalaan sa amin ang karapatang gamitin ang mga electronic payment processor ng ikatlong partido at/o mga institusyong pampinansya upang iproseso ang mga pagbabayad na isinagawa mo o isinagawa para sa iyo kaugnay ng paggamit mo ng mga serbisyo. Hangga’t hindi nilalabag ng mga ito ang mga tuntunin ng Tuntuning ito, sumasang-ayon kang masakop ng Mga Tuntunin ng naturang mga electronic payment processor ng ikatlong partido at mga institusyong pampinansya.

8.7. Sa pagdedeposito ng pera, sumasang-ayon ka na hindi ka gagawa o magtatangka na gumawa ng anumang charge-back, at itatanggi o babaliktarin ang anumang pagbabayad na nagawa mo at isasauli mo sa Kumpanya ang anumang nagawa mong charge-back, pagtanggi o pagbabaliktad ng pagbabayad at anumang pagkaluging dinanas ng Kumpanya bilang bunga ng mga ito.

8.8. Sa kaso ng kahina-hinala o mapanlinlang na pagbabayad, kabilang ang paggamit ng mga ninakaw na credit card o anumang iba pang mapanlinlang na gawain, nakalaan sa Kumpanya ang karapatang i-block ang Account Mo, baliktarin ang anumang nagawang pay-out at bawiin ang anumang napanalunan. May karapatan kaming ipaalam sa kahit kanino mang kaugnay na otoridad o anumang entidad ang anumang panlilinlang sa pagbabayad o iba pang labag-sa-batas na gawain at maaaring gumamit ng mga serbisyo sa pangongolekta upang mabawi ang mga pagbabayad. Ganunpaman, hindi maaaring panagutin ang Kumpanya para sa anumang ‘di-otorisadong paggamit ng mga credit card, kahit na naiulat man o hindi na ninakaw ang mga credit card.

8.9. Nilalaan namin ang karapatang magtakda ng singil para sa mga pag-withdraw o hilingin na i-wager ng mga customer ang dinepositong pondo sa pamamagitan ng paglalagay ng mga pusta na may kabuuang taya na may ilang beses na halaga ng inisyal na deposito (ayon sa pagpapasya ng administrasyon) kung naghihinala kami na ang deposito ay ginawa sa pamamagitan ng mapandayang paraan.

8.10. Maaari naming kalatasan anumang oras ang positive balance sa Account Mo para sa anumang halagang kailangan mong bayaran sa amin kapag nag-re-settle kami ng anumang pusta o taya alinsunod sa Mga Duplicate Account, Pandaraya, Sabwatan, Panlilinlang at Gawaing Kriminal o Mga Error.

8.11. Kinikilala at sumasang-ayon ka na hindi bank account ang Account Mo at samakatuwid ay hindi ito naka-insure, ginagarantiyahan, iniisponsoran o ‘di kaya’y pinoprotektahan ng anumang insurance sa pagbabangko o iba pang sistema. Dagdag pa rito, anumang perang naideposito sa Account Mo ay hindi kikita ng tubo.

8.12. Maaari kang humiling ng pag-withdraw ng mga pondo mula sa Account Mo anumang oras sa kalagayan na:

8.12.1. nakumpirma bilang malinis ang lahat ng pagbabayad na ginawa sa Account Mo at walang na-charge-back, nabaliktad o ‘di kaya’y nakansela;

8.12.2. nakumpleto na ang anumang Pagsusuri na tinutukoy sa talata 6 sa itaas.

8.13. Kapag humihiling ng pag-cash-out, kailangang isaaalang-ilang ang ilang punto:

8.13.1. kailangang punuan ang lahat ng impormasyon sa iyong Profile;

8.13.2. kailangang i-withdraw ang mga pondo kapareho ng paraang ginamit sa pagdedeposito;

8.13.3. hindi kami makakapag-withdraw ng mga pondo sa mga credit ng mga manlalaro namin alinsunod sa mga regulasyon ng MasterCard. Iwi-withdraw ang mga naidepositong pondo gamit ang MasterCard sa pamamagitan ng alternatibong paraan ng pagbabayad;

8.13.4. kapag ang hiniling na halaga ay lumampas sa isang libong United States Dollars (USD 1,000) o higit pa, kailangang isagawa ang pamamaraan sa pagkakakilanlan ng manlalaro sa pamamagitan ng pagpapadala sa amin ng kopya o isang digital photograph ng iyong mga dokumento ng pagkakakilanlan, kagaya ng Pasaporte o ID card. Maaaring burahin ang series at numero ng pasaporte na nasa larawan. Maaari ring humiling ang Kumpanya ng iba pang mga karagdagang dokumento;

8.13.5. kapag inilipat ang pera mula sa isang phone operator, tatagal ang pag-withdraw ng 2-3 linggo dahil sa pagsusuri sa panlilinlang;

8.13.6. Kung ang kabuuang halagang nalagay sa mga pusta mula sa account ng customer ay mas mababa kaysa doble ng halaga ng deposito, nilalaan namin ang karapatang magkaltas ng singil mula sa account ng customer na may halagang 20% ng halaga na tinatangkang i-withdraw ng customer (minimum 0.50 USD) upang sakupin ang mga bayarin ng pagproseso sa pagbabayad.

8.14. Nakalaan sa amin ang karapatang maningil ng halagang katumbas ng aming mga gastos sa pag-withdraw ng mga pondo na hindi nagamit sa paglalaro.

8.15. Ang halaga ng pag-withdraw na hanggang 300 USD ay aaprubahan para sa susunod na araw mula sa petsa ng kahilingan, maliban sa katapusan ng linggo at mga holiday.

8.16. Ang halaga ng pag-withdraw na mula 300 USD hanggang 2,000 USD ay aaprubahan sa loob ng 5 araw mula sa petsa ng kahilingan, maliban sa katapusan ng linggo at mga holiday.

8.17. Ang halaga ng pag-withdraw na mula 2,000 USD hanggang 20,000 USD ay aaprubahan sa loob ng 14 araw mula sa petsa ng kahilingan, maliban sa katapusan ng linggo at mga holiday.

8.18. Ang halaga ng pag-withdraw na mula 20,000 USD ay aaprubahan sa loob ng 30 araw mula sa petsa ng kahilingan at hindi lalagpas sa 20,000 USD sa loob ng 30 araw mula sa petsa ng kahilingan.

8.19. Sa oras na naaprubahan na ang iyong pag-withdraw, hindi kami mananagot para sa anumang pagkaantala sa mga pagbabayad na dulot ng mga third party electronic payment processor at mga institusyong pampinansyal at/o third party clearing process.

8.20. Hiwalay na pag-uusapan ang iba pang mga pamamaraan ng pag-withdraw kasama ang Website Administration.

8.21. Sa kaso na hindi bababa sa 20 beses na mas malaki ang halaga ng iyong hiling na pag-withdraw kumpara sa pinagsama-samang kabuuan ng mga deposito mo, lilimitahan ka sa 5000 USD (o katumbas sa currency mo) para sa pag-withdraw kada buwan.

8.22. Pakitandaan na maaaring magbago nang malaki ang halaga ng BitCoin batay sa halaga ng merkado.

8.23. Ang maximum na halaga para sa isang transaksyon ay 9000 EUR o katumbas sa currency ng account.

9. PAGPUSTA O PAGLALARO

9.1. Responsibilidad mong tiyakin na tama ang mga detalye ng anumang transaksyong inilalagay mo bago kumpirmahin ang pusta.

9.2. Maaaring maakses ang kasaysayan ng transaksyon mo sa pamamagitan ng pag-click sa “Cashier” sa Website.

9.3. Nakalaan sa amin ang karapatang tanggihan ang buo o bahagi ng anumang transaksyong hiniling mo anumang oras sa sarili naming pagpapasya. Walang transaksyon ang ituturing na tinanggap hanggang sa makatanggap ka ng kumpirmasyon mula sa amin. Kapag wala kang natanggap na kumpirmasyon na tinanggap na ang iyong transaksyon, kailangan mong kontakin ang Support.

9.4. Maaari kang pumusta sa Serbisyo sa pamamagitan lang ng paggamit ng credit na nasa iyong account.

9.5. Ang maximum na posibleng mapanalunan sa bawat pusta ay 50,000 USD, o ang katumbas na halaga sa currency ng account ng user, hindi ito nakabatay sa odds at kabuuang posibleng mapanalunan. Lahat ng napanalunan na lampas sa halagang ito ay sasailalim sa write-off.

10. SABWATAN, PANDARAYA, PANLILINLANG AT GAWAING KRIMINAL

10.1. Hindi pinapayagan ang mga sumusunod na gawain at bubuo sa mabigat na paglabag ng Mga Tuntunin:

10.1.1. pagbibigay ng impormasyon sa mga ikatlong partido;

10.1.2. paggamit ng ‘di-patas na bentahe o impluwensya, kabilang ang pagsasamantala sa mga bug, loophole o error sa aming software, ang paggamit ng mga automated na manlalaro; o ang pagsasamantala sa isang “error”;

10.1.3. pagsasagawa ng mga mapanlinlang na gawain para makalamang ka kabilang ang paggamit ng ninakaw, na-clone o ‘di kaya’y ‘di-otorisadong credit o debit card bilang pinagkukunan ng mga deposito sa account;

10.1.4. pakikilahok sa anumang mga gawaing kriminal kabilang ang money laundering at anumang iba pang gawain na may mga kalalabasang kriminal;

10.1.5. pagsasabwatan o pagtatangkang makipagsabwatan at pagbabalak na makilahok, direkta o ‘di-direkta, sa anumang iskema ng sabwatan sa iba pang manlalaro sa panahon ng anumang laro na nilalaro o lalaruin mo sa Website.

10.2. Anumang libreng pondo na natanggap mula sa Kumpanya: mga bonus, mga point atbp., ay hindi rin maaaring abusuhin sa kahit na anumang paraan.

10.3. Gagawin ng Kumpanya ang lahat ng makatuwirang hakbang upang pigilan ang sabwatan o anumang pagtatangkang makipagsabwatan; alamin ang mga ito at ang mga kasangkot na manlalaro; at lapatan ng kaukulang parusa ang mga naturang manlalaro. Hindi kami mananagot para sa anumang pagkawala o pinsala na maaari mong matamo o ng iba pang manlalaro bilang resulta ng pagsasabwatan, mapanlinlang o ‘di kaya’y iligal na gawain o pandaraya at nasa sarili naming pagpapasya anumang aksyon ang gawin namin tungkol sa bagay na ito.

10.4. Kung naghihinala kang nakikipagsabwatan, nandaraya o nagsasagawa ng isang mapanlinlang na gawain ang isang tao, kailangang makatuwirang maisagawa mo kaagad ang pag-uulat nito sa amin gamit ang e-mail o sa pamamagitan ng online-chat.

10.5. Kung may paghihinala ang Kumpanya na maaaring nakikisali o nakisali ka sa mapanlinlang, labag-sa-batas o maling gawain, kabilang ang, nang walang limitasyon sa, mga gawaing money laundering, o ‘di kaya’y gawi na paglabag sa Mga Tuntunin na ito, maaaring kaagad na ihinto ang akses mo sa mga serbisyo at/o i-block ang account mo. Kapag inihinto o na-block ang account mo dahil sa mga naturang kalagayan, walang obligasyon ang Kumpanya na i-refund sa iyo ang anumang pondo na nasa Account Mo. May karapatan ang Kumpanya na ipaalam sa mga kaugnay na otoridad, iba pang mga online service provider at mga bangko, mga kumpanya ng credit card, mga electric payment provider o iba pang mga institusyong pampinansya ang iyong pagkakakilanlan at ang anumang napaghinalaang labag-sa-batas, mapanlinlang o maling gawain at buong-buo kang makikipagtulungan sa Kumpanya para imbestigahan ang anumang naturang gawain.

10.6. Dapat mong gamitin ang mga serbisyo para lang sa mabuting hangarin sa parehong Kumpanya at iba pang manlalarong gumagamit ng mga serbisyo. Sa kaganapan na ipinapalagay ng Kumpanya na ginagamit mo ang mga serbisyo o ang software sa masamang hangarin, magkakaroon ng karapatan ang Kumpanya na ihinto ang Account Mo at anumang iba pang account na mayroon ka sa Kumpanya at may karapatan ang Kumpanya na panatilihin ang lahat ng perang laman nito. Tahasan mong tinatalikdan sa pamamagitan nito ang anumang mga paghahabol sa hinaharap laban sa Kumpanya sa naturang bagay.

11. IBA PANG MGA IPINAGBABAWAL NA GAWAIN

11.1. Hindi ka dapat gumamit ng anumang mapang-abuso o agresibong wika o mga larawan; magmura, magbanta, manggulo o mang-abuso ng iba pa, kabilang ang ibang mga user, o umasal ng ganitong ugali sa tauhan ng Kumpanya na nagpapatakbo o sumusuporta sa Website.

11.2. Hindi mo dapat sirain o padalahan ng napakaraming impormasyon ang Website na magdudulot ng pagkasira nito, o hindi ka rin dapat gumawa ng mga bagay na makakaapekto sa paggana ng Website sa anumang paraan, halimbawa, pagpapakawala o pagpapalaganap ng mga virus, worm, logic bomb o anumang kahalintulad na gawain. Anumang maramihang pagsusumite o “spam” ay mahigpit na ipinagbabawal. Hindi ka dapat manghimasok o mangialam, magtanggal o ‘di kaya’y magpalit sa kahit anong paraan ng anumang impormasyon na mayroon sa Website.

11.3. Dapat mong gamitin ang Website para lang sa paglilibang at hindi ka pinapayagang gumawa ng kopya ng Website o ng kahit anong mga bahagi nito sa anumang porma o kung anuman nang hindi muna kukuha ng aming pahayag ng pagsang-ayon.

11.4. Hindi mo dapat tangkaing magkaroon ng ‘di-otorisadong akses sa aming Website, sa mga server kung saan nakalagay ang Website o anumang server, computer o database na nakakonekta sa Website. Hindi mo dapat atakehin ang Website sa pamamagitan ng denial-of-service attack o anumang kahalintulad na uri ng pag-atake. Sa kaso na nalabag ang probisyong ito, iuulat namin ang anumang naturang paglabag sa kaugnay na mga otoridad sa pagpapatupad ng batas at makikipagtulungan kami sa mga otoridad na iyon sa pamamagitan ng pagsisiwalat sa kanila ng iyong pagkakakilanlan. Sa kaganapan ng naturang paglabag, agarang ihihinto ang karapatan mong gumamit ng Website.

11.5. Hindi kami mananagot para sa natamo mong anumang pagkawala o pinsala na dulot ng denial-of-service attack, mga virus o iba pang panteknolohiyang mapanganib na bagay na makakasira sa iyong computer equipment, mga computer program, data o iba pang pag-aaring bagay bilang resulta ng paggamit ng Website o pagda-download ng anumang bagay na naka-post sa Website, o sa anumang website na naka-link sa Website.

11.6. Ipinagbabawal na ibenta o ilipat ang mga account sa pagitan ng mga manlalaro o sadyaing ipatalo ang mga chip o laro para mailipat ang mga chip sa isa pang manlalaro. Nagaganap ang isang intensyunal na pagpapatalo ng laro o ng chip kapag ipinatalo mo ang laban o ang isang laro para mailipat ang pera sa isa pang user.

12. TAGAL AT PAGHIHINTO

12.1. Maaari mong ihinto ang account mo (kabilang ang iyong username at password) sa pamamagitan ng pagpapadala ng email sa amin support@gg.bet

12.2. Hanggang sa matanggap mo ang kumpirmasyon mula sa amin na nagsasabing naisara na namin ang Account Mo, nananatili kang may pananagutan para sa anumang gawain sa Account Mo sa pagitan ng oras kapag nagpadala ka sa amin ng email at ang oras kapag inihinto na ng Kumpanya ang account mo.

12.3. Nakalaan sa Kumpanya ang karapatang mangolekta ng mga singil, mga surcharge o mga gastos na natamo bago mo ikansela ang Account Mo. Kung sakaling inihinto, sinuspinde o kinansela ang Account Mo, tuluyan ka nang mawawalan ng access sa Account Mo.

12.4. Sa paghihinto ng Account Mo na napapailalim sa anumang karapatan o obligasyon na naipon bago ang paghihinto, wala sa kahit aling partido ang magkakaroon pa ng obligasyon sa isa’t isa sa ilalim ng Tuntuning ito.

12.5 Maaaring ihinto ng Kumpanya ang Account Mo, -kabilang ang iyong username at password, - kaagad nang walang abiso:

12.5.1. kung sa anumang kadahilanan ay nagpasya kaming itigil ang pagbibigay ng mga serbisyo sa pangkalahatan o kung sa iyo lang;

12.5.2. kung nauugnay sa anumang paraan ang Account Mo sa anumang umiiral na account na inihinto;

12.5.3. Kung nauugnay ang Account Mo sa, o may kinalaman sa, umiiral na inihintong mga account, maaari naming ihinto ang Account Mo, anuman ang katangian ng pagkakaugnay na ito, at ang mga ibinigay na detalye ng pagpaparehistro ng naturang mga account; o sa kung anumang kadahilanan na nakikita naming naaangkop. Maliban na lang kung itinatadhana rito, sa paghihinto, ibabalik sa iyo ang anumang balanse sa Account Mo sa loob ng makatwirang panahon ng iyong kahilingan, napapailalim palagi sa karapatan naming ibawas ang anumang halagang pananagutan mo sa amin;

12.5.4. kung susubukan mong manipulahin o alamin ang impormasyon na may kinalaman sa software code o nasangkot sa sabwatan;

12.5.5. kung iyong pakikialaman o susubukang pakialaman ang software sa anumang paraan;

12.5.6. kung nagsasagawa ka ng anumang pagkakasala hal., sa pamamagitan ng pagtatangkang i-akses ang Website mula sa hurisdiksyon na iligal ang paglalaro ng mga laro;

12.5.7. kung magpapahayag ka ng anumang aktwal o potensyal na mapanirang-puri, nakakasakit, racist, nakapipinsala o malaswang wika o bagay.

12.6. Kung nananatiling ‘di-aktibo ang Account Mo sa tuluy-tuloy na panahong 6 na buwan o higit pa, maaari naming isara o suspindihin ang Account Mo nang walang abiso. Sa kaganapan ng naturang pagsasara ng account, awtomatikong mahihinto ang Mga Tuntunin mula sa petsa kung saan nagkabisa ang naturang paghihinto.

12.7. Ihihinto ang Account Mo na ‘di-aktibo na may elektronikong abiso gamit ang iyong mga detalye ng kontak. Sa kaganapan ng anumang naturang paghihinto mula sa aming panig, maliban kung umabot sa punto na ang naturang pagsasara at paghihinto ay isinagawa alinsunod sa talata 10 (Sabwatan, Pandaraya, Panlilinlang at Gawaing Kriminal) o talata 17 (Paglabag sa Mga Tuntunin) ng Mga Tuntunin na ito, ire-refund namin sa iyo ang balanse ng Account Mo. Kung hindi ka namin mahanap, ire-remit ang mga pondo sa kaugnay na otoridad sa pagsusugal o sa Kumpanya.

13. PAGBABAGO NG WEBSITE

13.1. Maaari naming, sa ganap naming pagpapasya, baguhin o susugan anumang oras ang anumang serbisyong iniaalok sa pamamagitan ng Website para sa layuning pagpapanatili ng Website.

14. PAGKABIGO NG IT

14.1. Kapag nagkaroon ng ‘di-inaasahang mga system error, bug o problema sa software o hardware na ginagamit namin sa pagpapatakbo ng Website, magsasagawa kami ng agarang mga hakbang upang ayusin ang problema. Hindi namin tatanggapin ang anumang pananagutan para sa mga kabiguan ng IT na idinulot ng iyong equipment na ginamit sa pag-akses ng Website o mga error na kaugnay ng iyong internet service provider.

15. MGA ERROR O PAGTATANGGAL

15.1. Maraming mga pangyayari ang maaaring lumitaw na kung saan ay tinanggap ang pusta o nagawa ang pagbabayad nang may mga error mula sa panig ng Kumpanya: halimbawa, nagkamali kami ng paglalahad sa iyo ng anumang mga tuntunin ng pagtaya sa paglalaro bilang resulta ng isang maliwanag na error o data input error o bilang resulta ng pagkasira ng computer, ganundin ang isang error na maaari naming magawa sa halaga ng mga ibinayad na napanalunan/ibinalik sa iyo bilang resulta ng manual o automated input error.

15.2. Nakalaan sa Kumpanya ang karapatang tanggihan, higpitan, kanselahin o limitahan ang anumang pusta.

15.3. Kung nagkamaling nabigyan ka ng anumang napanalunan bilang resulta ng anumang human error o anumang bug, depekto o error sa software, o kabiguang gumana ng nauugnay na produkto ng mga laro o ng software alinsunod sa mga alituntunin ng kaugnay na laro (“Mga Error”), kung gayon, hindi mananagot ang Kumpanya na bayaran ka ng anumang naturang napanalunan at kailangan mong ipaalam kaagad sa Kumpanya ang error at sumasang-ayon kang i-refund ang anumang naturang napanalunan na ibinayad sa iyo bilang resulta ng naturang error o pagkakamali.

15.4. Hindi kami o maging ang aming mga partner o supplier ang mananagot para sa anumang pagkawala kabilang ang pagkawala ng mga napanalunan na ibinunga ng anumang Error namin o ng error mo.

15.5. Hindi mananagot ang Kumpanya at ang kaniya-kaniya nitong mga licensee, distributor, parent, subsidiary, affiliate at lahat ng kani-kanilang opisyal at direktor at empleyado para sa anumang pagkawala o pinsala na maaaring dulot ng pagharang o maling paggamit ng anumang impormasyon na ipinapasa sa pamamagitan ng Internet.

16. PAGBUBUKOD NG AMING PANANAGUTAN

16.1. Sumasang-ayon kang malaya kang pumili kung gagamitin mo man ang mga serbisyo sa Website at gagawin ito sa sarili mong opsyon, pagpapasya at panganib.

16.2. Bibigyan namin ang Website ng makatuwirang kakayahan at pangangalaga at makabuluhan kagaya ng inilalarawan sa Mga Tuntunin. Hindi kami gumagawa ng mga pangako o garantiya tungkol sa Website o mga produktong iniaalok sa pamamagitan ng Website at ibinubukod sa pamamagitan nito ang lahat ng ipinahiwatig na garantiya tungkol sa bagay na ito.

16.3. Hindi mananagot ang Kumpanya sa kontrata, tort, kapabayaan, o ‘di kaya’y, para sa anumang pagkawala o pinsala, kabilang ang ngunit hindi limitado sa pagkawala ng data, mga kita, negosyo, mga oportunidad, kabutihang-loob o reputasyon ganundin ang pagkagambala sa negosyo o anumang pagkalugi na sa kasalukuyan ay hindi namin nahuhulaan na nagmumula sa o sa anumang paraan na konektado sa iyong paggamit, ng anumang link na nakapaloob sa Website. Walang pananagutan ang Kumpanya para sa nilalaman na nakalagay sa anumang Internet site na naka-link sa Website o sa pamamagitan ng mga serbisyo.

17. PAGLABAG SA MGA TUNTUNIN

17.1. Kakailanganin mong sakupin nang buong-buo ang anumang mga paghahabol, pananagutan o gastos at anumang iba pang maaaring lumitaw na mga singil bilang resulta ng paglabag mo sa Mga Tuntunin.

17.2. Sumasang-ayon kang ganap na magbabayad ng danyos, ipagtatanggol at pananatilihing walang-pinsala ang Kumpanya, ang mga white label na kasosyo nito at kani-kanilang mga kumpanya at ang kani-kanilang mga opisyal, direktor at empleyado nang agaran kapag hinihingi mula sa at laban sa lahat ng paghahabol, hinihingi ang mga pananagutan, pinsala, pagkalugi, gastos, kabilang ang mga bayaring ligal at anumang iba pang singil o kung anuman, ano pa man ang dulot, na maaaring lumitaw bilang resulta:

17.2.1. ng anumang paglabag mo sa Mga Tuntunin;

17.2.2. paglabag mo sa anumang karapatan ng sino mang ikatlong partido;

17.2.3. paggamit mo ng mga serbisyo o paggamit ng sino mang iba pang tao na inaakses ang mga serbisyo gamit ang iyong user identification, may pahintulot mo man o wala; o

17.2.4. pagtanggap ng anumang napanalunan.

17.3. Sa mga kaso kapag mabigat ang paglabag mo sa Mga Tuntunin, nakalaan sa amin ang karapatan ngunit hindi kinakailangan na:

17.3.1. bigyan ka ng abiso na lumalabag ka sa Mga Tuntunin na humihiling na itigil mo ang patuloy na paglabag;

17.3.2. suspindihin ang Account Mo, na dahilan upang hindi ka makapusta o makapaglaro sa Website;

17.3.3. isara ang Account Mo mayroon man o walang paunang abiso mula sa amin;

17.3.4. Kumpiskahin mula sa Account Mo ang halaga ng anumang pay-out, bonus o napanalunan na nakuha mo bilang resulta ng anumang paglabag ng Mga Tuntuning ito.

17.4. May karapatan kaming ‘di-paganahin ang iyong username at password kung mabibigo kang tumalima sa anumang probisyon ng Mga Tuntunin.

18. MGA KARAPATAN SA INTELEKTUWAL NA PAG-AARI

18.1. Napapailalim sa copyright at iba pang mga karapatan sa pagmamay-ari ang mga nilalaman ng Website na pag-aari ng Kumpanya o kaya’y ginamit sa ilalim ng lisensya mula sa ikatlong partidong mga nagmamay-ari ng karapatan. Lahat ng materyal na maaaring mai-download at mailimbag na nilalaman ng Website ay maaaring mai-download sa isa lamang personal computer at maaaring mailimbag para lamang sa personal at ‘di-komersyal na paggamit.

18.2. Walang anumang kalagayan na sa paggamit ng Website ay magbibigay sa user ng anumang bahagi ng mga karapatan sa intelektuwal na pag-aari ng Kumpanya o ng sino mang ikatlong partido o anuman.

18.3. Ipinagbabawal ang anumang paggamit o paggawa ng kopya ng anumang trade name, trademark, logo o iba pang malikhaing bagay na makikita sa website na ito.

18.4. Ikaw ang natatanging mananagot para sa anumang pinsala, gastos na lilitaw mula sa o kaugnay ng paggasasagawa ng anumang ipinagbabawal na gawain. Kailangang ipaalam mo kaagad sa Kumpanya sa sandaling malaman mo ang pagsasagawa ng sino mang tao ng anumang ipinagbabawal na gawain at kailangang ibigay mo sa Kumpanya ang makatuwirang pagtulong sa anumang imbestigasyong maaari nitong isagawa sa ikaliliwanag ng ibinigay mong impormasyon tungkol sa bagay na ito.

19. PERSONAL NA IMPORMASYON MO

19.1. Kinakailangan naming tumalima sa mga kinakailangan sa pagprotekta sa data sa paraan ng paggamit ng Kumpanya sa anumang kinokolektang impormasyon sa panahon ng pagbisita mo sa Website. Samakatuwid, mariin naming sineseryoso ang aming mga obligasyon kaugnay ng paraan ng paggamit namin sa iyong personal na impormasyon. Mahigpit na pangangasiwaan ng Kumpanya lahat ng ibinigay mong personal na impormasyon alinsunod sa Patakaran sa Privacy.

19.2. Sa pamamagitan ng pagbibigay sa amin ng impormasyon, sumasang-ayon ka sa aming karapatang iproseso ang iyong personal na impormasyon para sa mga layuning inilarawan sa Mga Tuntunin at Kundisyon at Patakaran sa Privacy at para sa mga layunin ng pagtalima sa obligasyong ligal o sa regulasyon.

19.3. Patakaran ng Kumpanya na hindi isiwalat ang anumang personal na data sa kanino man maliban sa mga ikatlong partido at empleyado na nangangailangan ng naturang akses sa data para mabigyan ka ng mga serbisyo. Maaari rin naming isiwalat ang iyong personal na impormasyon sa sandaling hilingin nang naaayon sa batas ng mga pampublikong otoridad.

19.4. Pananatilihin namin ang mga kopya ng lahat ng pakikipag-usap mo sa amin upang mapanatili ang mga akmang rekord ng impormasyon na natanggap namin mula sa iyo.

20. PAGGAMIT NG MGA COOKIE SA WEBSITE

20.1. Gumagamit ang Kumpanya ng “mga cookie” upang maibigay ang isang partikular na paggana ng Website. Ang cookie ay isang maliit na text file na inilalagay sa iyong computer kapag inaakses mo ang Website, na nagpapahintulot naming makilala ka kapag bumalik ka sa Website. Available ang higit pang impormasyon tungkol sa pagbubura o pagkontrol ng mga cookie sa www.aboutcookies.org. Pakitandaan na sa pamamagitan ng pagbubura sa aming mga cookie o ‘di-pagpapagana ng mga cookie, maaaring hindi mo maakses ang ilang partikular na lugar o magamit ang ilang partikular na feature ng Website.

21. MGA REKLAMO AT ABISO

21.1. Kung nais mong magreklamo tungkol sa Website, bilang unang hakbang ay kailangan mong makatuwirang maisagawa kaagad ang pagkontak sa Support Service tungkol sa iyong reklamo.

21.2. Sa kaganapan ng anumang pagtatalo, sumasang-ayon ka na ang mga rekord ng server ang magsisilbing panghuling otoridad sa pagtukoy ng kalalabasan ng anumang paghahabol.

22. MGA KAGANAPANG LABAS SA AMING KONTROL

22.1. Hindi mananagot o responsable ang Kumpanya para sa anumang kabiguang gumampan o pagkaantala sa paggampan ng alinman sa aming mga obligasyon sa ilalim ng Mga Tuntunin na idinulot ng mga kaganapang labas sa aming kontrol, kabilang ang, nang walang limitasyon sa, sakuna o kalamidad, digmaan, kaguluhang sibil, pagkagambala sa mga network o mga serbisyo ng mga pampublikong komunikasyon, pang-industriyang pagtatalo o mga DDOS-attack at mga kahalintulad na pag-atake sa Internet na maaaring magkaroon ng masamang epekto (“Force Majeure”).

22.2. Ituturing na suspindido ang aming paggampan para sa panahong nagpapatuloy ang kaganapang Force Majeure at magkakaroon kami ng ekstensyon ng oras para sa paggampan sa buong tagal ng panahong iyon. Gagamitin namin ang aming mga makatuwirang pagsusumikap upang maisara ang kaganapang Force Majeure o upang makahanap ng solusyon na kung saan maaaring maisagawa ng Kumpanya ang mga obligasyon sa kabila ng kaganapang Force Majeure.

23. PAGPAPAUBAYA

23.1. Kung mabibigo kaming igiit sa mahigpit na paggampan ng anuman sa iyong mga obligasyon o kung mabibigo kaming gamitin ang alinman sa mga karapatan o remedyo na mayroon kami, hindi ito dapat bumuo ng pagpapaubaya ng naturang mga karapatan o remedyo at hindi ito dapat magligtas sa iyo mula sa pagtalima sa naturang mga obligasyon.

23.2. Ang pagpapaubaya namin ng anumang default ay hindi dapat bumuo ng pagpapaubaya ng anumang kasunod na default. Walang pagpapaubaya namin ng anumang probisyon ng Mga Tuntunin ang magiging mabisa maliban kung malinaw na ipinahahayag na isa itong pagpapaubaya at sinabi sa iyo sa sulat alisunod sa nasa itaas.

24. KAKAYAHANG-MAIHIWALAY

24.1. Kung tinukoy na ‘di-balido, labag sa batas o ‘di-maipatutupad ang alinman sa Mga Tuntunin sa anumang saklaw, ang naturang tuntunin, kundisyon o probisyon ay ihihiwalay sa saklaw na iyon mula sa natitirang mga tuntunin, kundisyon o probisyon na patuloy na magiging balido sa pinakamaaaring saklaw na pinahihintulutan ng batas. Sa naturang mga kaso, kailangang susugan ang bahaging itinuring na ‘di-balido o ‘di-maipatutupad sa paraang naaayon sa naaangkop na batas upang ipakita, hangga’t maaari, ang irihina Naming layunin.

25. MGA LINK

25.1. Maaaring maglaman ang Website ng mga link patungo sa ibang mga website na kung saan ay labas din sa kontrol ng Kumpanya at hindi sakop ng Mga Tuntunin. Hindi mananagot ang Kumpanya para sa nilalaman ng anumang website ng ikatlong partido o mga aksyon o mga pagtatanggal ng kanilang mga pagmamay-ari o maging sa mga nilalalaman ng mga advertisement at sponsorship ng ikatlong partido sa mga website na iyon. Ibinibigay ang mga hyperlink patungo sa ibang mga website para lamang sa mga layunin pagbibigay impormasyon. Ginagamit mo ang naturang mga link sa iyong sariling panganib.

26. MGA PROMO CODE

26.1. Promo code (redeemable code) – isang natatanging alphanumeric code na maaaring i-redeem ng manlalaro sa kanyang profile upang makatanggap ng regalo. Halimbawa, bonus sa deposito.

26.2. Imposible ang pag-redeem ng code na hindi kinukumpirma ang email na ginamit sa pagpaparehistro.

26.3. Para sa mga alok sa pagdeposito na may promo code, kailangang i-activate ng manlalaro ang code bago siya magdeposito. Balido lamang ang code para sa isang pagdeposito – ang unang nagawa pagkatapos ng pag-redeem ng code (maliban kung iba ang nakasaad sa mga tuntunin ng promosyon) .

26.4. Ipinagbabawal ang pag-redeem ng maraming promo code para sa isang pagdeposito. Ituturing na pag-abuso sa patakaran sa bonus ng Website ang naturang mga aksyon. Sa kaso ng pag-redeem ng maraming promo code, iwi-withdraw ang lahat ng bonus na pondo mula sa iyong account at maaaring ma-block ang account.

27. PROGRAMA SA BONUS NG AFFILIATE

27.1 Balido lamang ang mga kundisyon ng programa sa loob ng mga sumusunod na alituntunin kapag natupad.

27.2 Awtomatikong maa-activate ang mga kundisyon ng promosyon ng programa pagkatapos na mag-sign up gamit ang partikular na referral link, na inilagay ng aming kasosyo, at para lamang sa mga account na may nakumpirmang email address.

27.3 Ang kwalipikadong deposito ay kailangang isagawa sa loob ng 14 na araw pagkatapos ng pag-sign up. Kung hindi, mapapaso ang bonus.

27.4 Ang mga kinakailangan sa Pagtaya para i-cash out ang halaga ng bonus ay 14 na beses ng halaga ng bonus sa loob ng 14 na araw ng pagkakagawad ng bonus.

27.5 Kapag hindi natugunan ang mga kinakailangan sa pagtaya alinsunod sa mga tuntunin na binanggit dito, ikakaltas mula sa balanse ang anumang bonus o napanalunan mula sa bonus.

27.6 Ang mga kwalipikadong pusta para sa pagtaya ay kailangang ilagay sa odds na 1.75 o higit pa at dapat bayaran, mga nararapat na uri ng pusta – single.

27.7 Ang minimum na kwalipikadong halaga ng unang deposito ay 10 USD, 10 EUR. Maaaring hilingin ang lahat ng partikular na halaga sa pamamagitan ng pagkontak sa aming departamento ng mga serbisyong pangkostumer. Sakaling isinagawa ang mga pagpusta gamit ang parehong bonus at cash, igagawad ang mga napanalunan nang proporsyonal. Idaragdag ang mga napanalunan gamit ang bonus sa balanse ng bonus at ang mga napanalunan gamit ang cash sa balanse ng cash.

27.8 Ang maximum na halaga ng bonus na iginagawad ay 15 USD, 15 EUR at ang maximum na mga napanalunang maaaring i-cash out ay 50 USD, 50 EUR o katumbas na halaga sa currency ng iyong account, ikakaltas mula sa balanse ang natitirang halaga. Maaaring hilingin ang lahat ng partikular na halaga sa pamamagitan ng pagkontak sa aming departamento ng mga serbisyong pangkostumer.

27.9 Sakaling isinagawa ang pag-withdraw bago natugunan ang mga kundisyon sa pagtaya, anumang halaga ng bonus at mga napanalunan mula sa bonus ay magiging zero.

27.10 Nakalaan sa GG.BET ang karapatang i-withdraw o suspindihin ang promosyon anumang oras o ipawalang-bisa ang anumang napanalunan mula sa halaga ng bonus.

27.11 Maaaring isailalim sa pagpapatunay ng ID at edad ang anumang kahilingan sa pag-withdraw, na sa kabiguang tugunan ang alinman ay maaaring tanggihan ang kahilingan.

27.12 Ang nga tuntunin at kundisyon ay napaiilalim sa pagsusuri at mga pagbabago anumang oras sa panahon ng promosyon.

28. MGA BONUS CODE NA "100% PARA SA DEPOSITO NA HANGGANG $50"

28.1. Ang mga kinakailangan sa Pagtaya para i-cash out ang bonus ay 28 beses ng halaga ng bonus sa loob ng 14 na araw ng pagkakagawad ng bonus.

28.2. Kapag hindi natugunan ang mga kinakailangan sa pagtaya alinsunod sa mga tuntunin na binanggit dito, ikakaltas mula sa balanse ang anumang bonus o napanalunan mula sa bonus.

28.3. Ang mga kwalipikadong pusta para sa pagtaya ay kailangang ilagay sa odds na 1.75 o higit pa at dapat bayaran, mga nararapat na uri ng pusta – single.

28.4. Ang minimum na kwalipikadong halaga ng deposito ay: $5, €5

28.5. Para pasimulan ang mga kinakailangan sa pagtaya, kailangang gamitin ang bonus o tunay na balanse.

28.6. Sakaling isinagawa ang mga pagpusta gamit ang parehong bonus at tunay na cash, igagawad ang mga napanalunan nang proporsyonal. Idaragdag ang mga napanalunan gamit ang bonus sa balanse ng bonus at ang mga napanalunan gamit ang cash sa balanse ng cash.

28.7. Ang maximum na halaga ng bonus na iginagawad ay: $50, €50 

28.8. Sakaling isinagawa ang pag-withdraw bago natugunan ang mga kundisyon sa pagtaya, anumang halaga ng bonus at mga napanalunan mula sa bonus ay magiging zero.

28.9. Ang maximum na mga napanalunang maaaring i-cash out ay $50, €50 o katumbas na halaga sa currency ng iyong account, ikakaltas mula sa balanse ang natitirang halaga. Maaaring hilingin ang lahat ng partikular na halaga sa pamamagitan ng pagkontak sa aming departamento ng mga serbisyong pangkostumer.

28.10. Nakalaan sa GG.BET ang karapatang i-withdraw o suspindihin ang promosyon anumang oras o ipawalang-bisa ang anumang napanalunan mula sa halaga ng bonus.

28.11. Maaaring isailalim sa pagpapatunay ang anumang kahilingan sa pag-withdraw pagkatapos na gamitin ang promo code na ito, na sa kabiguang tugunan ito ay maaaring tanggihan ang kahilingan

29. PATAKARAN SA PAG-REFUND

29.1. Lahat ng isinagawang transaksyon sa Website ay pinal at ‘di mare-refund, maliban kung iba ang nakasaad sa kung anong nakabalangkas sa Seksyon 29 sa ibaba.

29.2. Maaari lamang maganap ang mga refund sa mga sumusunod na kalagayan:

29.2.1. Nagkamali ka nang tinutukoy ang halaga ng pagbabayad o naganap ang isang technical error nang ipinoproseso ang iyong pagbabayad;

29.2.2. Nakumpleto mo ang proseso ng Pagpapatunay;

29.2.3. Hindi mo nilabag ang Mga Tuntunin at Kundisyon;

29.2.4. Hindi ka pa nakakapagdeposito. Kung nakapaglagay ka ng pusta o nakapaglaro pagkatapos ng pagdeposito, hindi ka mabibigyan ng refund;

29.3. Kung hindi mo nakumpleto ang proseso ng Pagpapatunay, kakailanganin mong magsumite ng mga dokumento upang makumpleto ang prosesong ito sa loob ng 24 na oras mula sa sandaling humiling ka ng refund. Kung hindi ka sumailalim sa proseso ng Pagpapatunay, hindi ka makakakuha ng refund;

29.4. Maaari lamang i-refund ang mga pondo sa card/payment method, na ginamit mo sa orihinal na pagbabayad. Kung hindi mai-refund ang mga pondo sa pinag-uusapang card/payment method, kailangan mong magsumite ng mga detalye para sa iba pang card/payment method para sa Pagpapatunay alinsunod sa aming Mga Tuntunin at Kundisyon. Pakitandaan na kailangang napatunayan at naka-issue sa pangalan mo ang parehong card/payment method.

30. NAMAMAHALANG BATAS AT HURISDIKSIYON

30.1. Ang Mga Tuntunin at Kundisyon na ito ay pamamahalaan at bibigyang-kahulugan alinsunod sa mga batas at lehislasyon ng Curacao. Ang mga korte ng Curacao ang magkakaroon ng hurisdiksyon sa anumang mga pagtatalo na nauugnay sa Mga Tuntunin at Kundisyon.