Pagtaya sa Overwatch

Inirerekomenda

Overwatch
Overwatch

Ang Overwatch ay isang multiplayer first-person shooter video game na binuo at inilabas ng Blizzard Entertainment.

Team combat

Sa Overwatch, nilalagay ang mga player sa dalawang team na tig-anim, at ang bawat player ay pumipili ng isa sa ilang character na may natatanging abilidad at husay. Hinahati sa apat na class ang mga character na ito: offense, defense, tank, at support. Bawat class ay may mga natatanging attribute at may ibang papel na ginagampanan kapag may laban. Ang mga offense character ay may mataas na speed at attack power ngunit mababang kakayahan sa defense, ang mga defense character ay bumubuo ng mga choke point para sa mga kalaban, ang mga support character ay nagbibigay ng mga buff at debuff para sa kanilang mga kakampi at kalaban (gaya ng healing o speed boost/slow), at ang mga tank character ay may malaking halaga ng armor at hit points para matagalan ang mga atake ng kalaban at alisin ang atake sa mga kakampi. Para manalo sa isang match, kailangang magtulungan ang team para ma-secure at ingatan ang mga control point sa isang mapa o sabayan ang payload sa mapa sa loob ng limitadong oras.

Ang susunod na malaking eSport

Ang Overwatch ay nakikita bilang susunod na malaking eSport dahil may kakaiba itong hitsura at estilo ng paglalaro kumpara sa mga kilalang FPS eSports katulad ng Counter-Strike: Global Offensive at Call of Duty, sapat na dami ng mapa at character, at malakas na suporta mula sa Blizzard para mapanatili ang laro sa loob ng mahabang panahon. Masayang laruin at madaling sundan para sa mga manonood ang Overwatch dahil sa bilis ng gameplay at maiiksing oras ng match. Ang unang internasyunal na competitive tournament para sa Overwatch ay iho-host ng Electronic Sports League (ESL) sa August 2016. Ang event na ito, na tinatawag na Overwatch Atlantic Showdown, ay magkakaroon ng walong team na maglalaban para sa anim na numerong pool ng premyo.

Palaging subaybayan ang gg.bet habang nag-aalok kami ng magagandang pusta sa egaming at odds sa lahat ng malalaking kumpetisyon ng Overwatch!